Advertisers
Ni Jimi Escala
MASAYANG ibinalita ng premyadong aktres na si Gladys Reyes na may bago na naman siyang baby.
Ito raw ang tiyak na pagkakaabalahan niya sa susunod na mga araw.
Ang tinutukoy ng primera kontrabida ay ang pgkakaroon niya ng bagong Vlog, huh!
“Makikilala nyo na ang bago kong baby! Eto ang inyong gen C! As in Generation Clara!!!
Chikahan na masaya, habang me masarap na kainan at totoong totoo lang! Namiss kong gawin to!,” banggit pa ni Gladys, huh!
Ang “GladToBeWithYou “ on my YouTube channel ay nag premiere na the other day at 8pm!!” pahabol pa rin ng esposa ni Christopher Roxas, huh?
Isa pa rin sa ibinalita sa amin ni Gladys ay ang natapos na ring gawing 2 Netflix film.
“May 2 pa rin po akong Netflix film na baka lalabas this year and bagong teleserye pa,” sey pa ni Chick.
Happy pa rin si Gladys sa takbo ng kanyang negosyong “That’s Diner” na meron nang dalawang branches ngayon, huh!
“The other day din eh, may dinner concert si Christopher sa “Thats Diner” nmin, hands on ako siyempre.
“Daming kaibigan at supporters ng anak ko ang dumating.
“Siyempre may mga friends din kami ni Christopher na dumating din para sa support na sa anak namin,” lahad pa rin ni Gladys.
Tunay ngang maganda ang pasok ng Jan.2025 sa mag asawang Gladys at Christopher Roxas. “Tuwang-tuwa kami kasi may nga regular costumers at ang dami na kumakain sa Thats Diner Sta. Lucia branch meron din kami weekend buffet na dinadayo nila,” sey pa ng premyadong aktres.
Marami raw delicious foods at very affordable price ang “Thats Diner”, huh!
“Pero pambato talaga namin ang ibat ibang klase ng bulalo nmin
Nakapunta na rin si Vice Ganda at favorite nya ang Dinakdakan ng Thats Diner
Sila Ate Uge at Carmi naman ung Bulalo plain.””
“Very affordable ang presyo, 300 pesos up at meron pang student meals, pa ng aktres.
***
PATI ang kapiyestahan ng Santo Niño de Tondo ay hindi maiwasang nagagamit sa pulitika,huh!
Sa mga nagdaang taon sa tuwing kapiyestahan ng Poong Sto. Niño, ang incumbent congressman ang Hermano Mayor pero ngayon ay kalaban ng kasalukuyang nakaupong congressman na si Cong. Ernix Dionisio ang kinuhang Hermano Mayor.
Kaya sa lahat ng kaganapan sa fiesta ay ang kakamping mga tumatakbo sa local posisyon sa District One ang laging visible, huh!
And the height pati ang taunang Lakbayaw ay pulitika pa rin ang nagmaniobra.
Kapansin pansin na hindi ganun kabongga ang Lakbayaw procession ng simbahan kung ikukumpara sa mga nagdaang Lakbayaw, huh!
Present ang incumbent local officials ng Maynila sa pangunguna ni Mayora Lacuna at Vice mayor Yul Servo with former Congressman Manny Lopez, huh!
Dumating din ang reelectionist na si Senadora Imee Marcos,at nakasingit din ang isang mayoralty candidate na actor na si Raymond Bagatsing, huh!
Kapansin pansin na wala sa Lakbayaw procession ang nangunguna sa mga survey na si Isko Moreno, at ang mga kasamahan sa Yorme’s Choice, huh!
Pagdating ng alas tres ng hapon mas pinagkakaguluhan at super bongacious ang mga nagsipagsali sa pa Lakbayaw din na sponsored ni incumbent congressman Cong Ernix Dioniso, huh!
Nagandahan ang mga costume at halatang ginastusan talaga. Hindi naman kasi biro ang papremyo. Tumataginting na 150k, 100k at 50k sa mga mananalo at may mga consolation prizes pa, huh!