Advertisers

Advertisers

Hindi pa nagsisimula ang kampanya… IMEE, CAMILLE GUMASTOS NA NG HIGIT P1-B SA ADS PALANG!

0 30

Advertisers

HINDI pa man nagsisimula ang campaign period para sa 2025 elections, dalawang senatorial candidates na ang gumastos ng mahigit P1 bilyon para sa advertisement spots sa telebisyon at radyo.

Batay sa datos na nakuha ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) mula sa Nielsen Ad Intel, umabot na sa bilyon ang ginastos nina reelectionists Sen. Imee Marcos at Las Piñas Rep. Camille Villar para sa political ads bago sila naghain ng kandidatura.

Kalahati na ito ng P4.1 bilyong nagastos sa kabuuan ng lahat ng mga kandidato para sa political ads simula Enero hanggang Setyembre, bago nagsimula ang paghahain ng certificate of candidacy (COC).



Tinatantiya ng report ang halaga ng political ads ng mga kandidato batay sa inilabas na rate cards. Hindi pa rito kasama kung magkano ang kanilang ginastos para i-produce ang kanilang advertisements.