Advertisers

Advertisers

LELEKBA NA SI YORME!

0 9

Advertisers

IT’S all over but the counting.

Tapos na ang boksing babalik na sa trono si champ.

Sa isang kaharian,naglakbay lang ang hari upang sumabak sa digmaang pang- teritoryo ang taya at hinabilin ang pamamahala sa pinagkatiwalaang kanang -kamay.



Ang siste,pinasok ng peste ang utak ng kanyang dating kabatak kaya nang matikman ang sarap ng kapangyarihan ay kapit-tuko na ito sa trono.Siniraan pa ang dating hari sa kanilang nasasakupan na dumanas naman ng di birong kahirapan sa kabuhayan at balik- dugyot na kapaligiran nang siya na ang may timon sa panunungkulan.

Nagbunyi ang taumbayan nang malaman at matiyak nilang nagbabalik na ang hari na alam nilang muling magpapanatili sa katiwasayang pinabayaan ng pinakatiwalaan noon ni king sa trono na si queen kuno na wala ni sa anino ng husay ng pamamalakad pinagpitagang hari.

Sa Maynila,sa matagal na panahong naging dugyot ang kabisera ng bansa at sa dami na ng naghari dito,isang pinuno lang ang nagpatino sa lungsod sa lahat. ng aspeto partikular sa kabuhayan kaayusan,kali nisan, kalusugan at pagiging modelong siyudad, atbp.

Walang duda at pagtatalo , siya si YORME ISKO na ang kanyang estilo ng paglilingkod at liderato ay di lamang pumatok sa Maynila kundi sa bansa at buong mundo.

Pero pansamantalang iniwan ni Yorme ang kanyang trono at pinagkatiwala ang poder sa akala niya ay magpapatuloy ng kanyang nasimulan para sa mga Manileño.



Ngayon ay tinatahak na ni Yorme ang daan pabalik sa kanyang trono upang isalba ang kaharian mula kasadlakan tungo sa balik-asenso, balik-linis at balik- ganda ng mahalinang Maynila.

Ayon sa pulso ng Manileños,layo na ng agwat ng nangungunang nagbabalik-lider kontra sa mga katunggali niyang parang ‘bumangga sa pader para manatili sa poder’.It is written and it must be done..ABANGAN!!!

Para sa reaksìyon..pm #09451935742.