Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Richard Gutierrez tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial sa pamamagitan ng vlog ni Ogie Diaz.
Maraming beses nang spotted sa iba’t ibang lugar sina Richard at Barbie hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa Italy at South Korea, pero never pa silang nagsasalita kung totoong meron nang namamagitan sa kanilang dalawa.
For now, ayon kay Richard ay doon daw muna sila sa what you see is what you get sa kanila ni Barbie
Sabi pa niya, hindi raw third party si Barbie sa hiwalayan nila ni Sarah Lhabati.
Nakilala niya raw ang dalaga na matagal na silang hiwalay ni Sarah.
“So, ‘yun, gusto ko lang linawin,” sey pa ng aktor
Pareho naman daw silang nakapag move on na ni Sarah at may kanya-kanyang buhay. Nasa proseso na rin ang annulment ng kanilang marriage at co-parenting sila sa kanilang mga anak.
Samantala, kabilang si Richard sa seryeng Incognito ng Kapamilya network kasama sina Daniel Padilla, Ian Veneracion Baron Geisler Kaila Estrada, Maris Racal Anthony Jennings at marami pang iba.
***
SA kanyang interview sa kaibigang malapit na showbiz reporter na si Salve Asis, sinabi ni Lolit Solis na nakaramdam siya ng awa nang mag-perform sa isang gay bar ang dati niyang alaga na si Mark Herras.
Hindi naman daw niya minamaliit ang mga nagtatrabaho sa gay bar, pero sa status daw ni Mark bilang isang arista, na may pangalan sa showbiz, hindi raw dapat nito tinanggap ang offer na magsayaw sa gay bar.
Sana ay inisip man lang daw ng aktor na meron siyang pinoproteksiyunan na career, na biro pa ni Manay Lolit, ay kung may career pa nga ito.
Huwag na nga raw para sa mga anak, na lagi naman daw ginagawang panangga na ginagamit na dahilan ng mga artista.
Sana raw, kung wala na talagang pangalan si Mark sa showbiz, pwede siguro siyang mag-perform sa isang gay bar. Pero ‘yung kahit paano nasa showbiz pa siya, sana ay hindi na raw nito ginawa.
Dagdag pa ni Manay Lolit, sana raw ang mga tao ‘pag nabigyan ng chance na umangat ang buhay ay gawin daw ang lahat para mag-stay.
May pagkakataon raw kasi noon nu’ng sumikat si Mark, nagkaroon ng maraming pera, hindi nito naayos ang kanyang buhay kaya ganun daw ang sinapit nito ngayon.