Advertisers
Ni Archie Liao
SA pinaka-recent episode ng kanyang programang “Heart’s World,” ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang hindi makakalimutang karanasan.
Ito ay may kinalaman sa pagkakataong sobra siyang na-hurt dahil dinedma ng mga taong nakapaligid sa kanya ang kanyang effort.
Nag-bake raw siya noon ng cookies pero wala siyang nakuhang reaksyon kaninuman.
Feeling daw niya, hindi na siya lab ng mga taong pinapahalagahan niya at gustong i-impress lalo pa’t hindi raw naman talaga siya isang bihasang cook o baker.
“Nag-try akong magluto ng pagkain, and then alam ko namang hindi ako magaling magluto. Eto talaga iyong weakness ko. Di ko na matandaan pero nag-bake ako yata ng cookies. And then parang wala silang reaction,” pagbabalik-tanaw niya.
Hirit pa niya, nagtampo raw siya dahil feeling niya ay walang nakaka-appreciate ng kanyang efforts.
“Hurt na hurt talaga ako noong mga time na iyon. Parang, kasi hindi talaga ko marunong magluto and for me to try to learn to cook something is really hard and then nagluto talaga ako,” paliwanag niya.
“Eh parang dough pa siya, tapos kailangang i-ganoon, eh ang tigas-tigas so anyway, wala silang reaction tas di nila titikman yung cookies ko. Hurt na hurt talaga ako noong mga time na yon. Sabi ko hindi talaga nila ako mahal,” dugtong niya.
***
Mga klasikong pelikula, mapapanood na sa JuanFlix
MAPAPANUOD na ang mga klasiko at kontemporaryong pelikula sa JuanFlix, ang official streaming platform ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na nasa pamumuno ng batikang screenwriter-director na si Jose Javier Reyes.
Sa halagang P49 kada buwan or P349 sa loob ng isang taon, may instant access ka na sa mga obra ng National Artists for Film tulad nina Nora Aunor, Ishmael Bernal, Lino Brocka, Marilou Diaz-Abaya, at Ricky Lee.
Bukod sa mga full length features, ang JuanFlix ay naghahandog din ng acclaimed shorts mula sa emerging student filmmakers.
May Pay-Per-View selections din ang nasabing online streaming platform kung saan puwedeng mapanood ang mga obra nina Wong Kar-wai hanggang sa critically acclaimed world cinema features tulad ng Aftersun at Portrait of a Lady on Fire.
Ang JuanFlix ay isa sa mga inisyatibo ng FDCP na layuning makapagbigay ng plataporma para maging abot kaya ang panonood ng de kalidad na mga sine.