Advertisers

Advertisers

David iniintriga na kay Sanya

0 18

Advertisers

Ni Archie Liao

INIISYU sina David Licauco at Sanya Lopez pagkatapos na magsulputan ang mga litrato nilang dalawa habang nag-jo-jogging.

May mga nagmamaldita pang nagsabing nag ala-KimPau daw ang drama nilang dalawa.



Chummy-chummy nga naman ang dating co-stars ng seryeng “Pulang Araw” na nagtapos lamang kamakailan.

Binigyan naman ng kulay ng mga malisyosa ang kanilang pagsasama.

Tila nakipag-rigodon daw si David kina Sanya Lopez at Barbie Forteza na mga kasama niya sa nagtapos na serye.

May mga kafaneyan din lalo na ang BarDa na na-bash si Sanya.

May mga nagtanggol naman na mga kumalat na photos ay kuha umano sa pelikulang ginagawa nina David at Sanya.



Ito ang ilan sa komento ng netizens sa nasabing photos.

“They are currently in a lock-in taping in Vigan for their upcoming movie. Grabe talaga ang loveteam fans nagjogging lang naman sila nabash pa si Sanya.” “nagtatrabaho lang naman yung tao. Wala na bang karapatan si David na makipagwork sa iba dapat ba si Barbie lang? Hayaan naman sana nila yung tao na mag grow at wag ikulong sa loveteam.”

“Si Sanya naman wag na sya makipagwork sa mga may sikat na loveteam mababash lang sya.”

“Si Sanya laging biktima ng bashing ng loveteam fans: Aldub, Kathden, BarDa”

“Never naman siya niligawan ng leading man na nililink sa kanya ??”

“Ay sila na ba?”

“Friends lang naman sila ewan ko ba sa mga fans masyadong oa na ayaw palapitin ang idol nila sa iba.”

“Their movie project was announced late last year, ngayon galit ang fans kay Sanya kasi kapatid siya ni Jak (ex ni Barbie) and currently single si David.”

Sina Sanya at David na nagkasama sa “Pulang Araw” ay kasalukuyang gumagawa ng indie film minus Barbie at Alden.

Dito masusubukan kung may werpa ang kanilang tambalan.