Advertisers

Advertisers

Vilma, Aga, Nadine, Gabby & Ketchup Ng “Uninvited” Pwedeng Manalo Sa Ibang Prestigious Award Giving Bodies; Couple Jean Lopez & Bernard Poblacion Gabay Ang Diyos Sa Tagumpay Sa Buhay

0 12

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

HONESTLY, kahit pa maglinis-linisan ang 50th MMFF Committee na patas sila sa mga binigyan nila ng awards sa iba’t ibang kategorya. Ay amoy pa rin at halatang nilaglag nila ang pelikulang “Uninvited” ng Mentorque Productions and distributed by iconic film outfit in Hollywood na Warner Brothers Pictures.

Pinaghirapang buuin ang pelikulang ito at mala-Hollywood stars ang acting dito nina Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Gabby Padilla, Ketchup Eusebio at lahat ng cast.



Mahusay ang pagkaka-direk ni Dan Villegas ng pelikula na collaboration with his wife Direk Antoinette Jadaone and Direk Irene Villamor. Yes, lahat ng nakapanood ng movie ay iisa lang ang sinasabi na super galing ng acting at mga eksena nina Ate Vi, Aga, Nadine at Gabby Padilla na bigay na bigay ang emosyon o pain habang ginagahasa ni Guilly Vega na ginagampanan nga ni Aga.

Winner din ang acting dito ni Elijah Canlas and Ketchup. Also Nadine as Nicole na daughter sa movie ni Aga na palaban sa lahat ng scenes sa kanyang dark role. At lakas din ng dating ng gumaganap na bf ni Nadine na super gwapo na si Ron Angeles. Lalong-lalo naman si Ate Vi, at her age ay superb ang performance sa mga eksenang naghihiganti para sa rape victim niyang daughter na si Lilly (Gabby Padilla). Yes, kinaya ng ating Star o Queenstar for All Seasons (Santos) ang patayan na eksena na bumabaril siya at saksak sa mga taong gumahasa at pumatay sa kanyang anak. Lalo na kay Aga na pagkatapos barilin ng sariling anak na si Nadine ay sumisigaw at naghuhumiyaw at dialogue si Ate Vi, nang “Hayup Hayup” habang inuundayan ng ilang beses na saksak si Aga o Guilly.

Saka out of 10 o 5 ay perfect na rating na ibinibigay sa Uninvited at puring-puri ito ng mga kilalang Vloggers at Entertainment Media. Kaya kung inisnab at inismol man ito ng 50th MMFF. Tiyak na sa ibang Prestigious Award Giving Bodies ay posibleng maigawad ang Best Actress Trophy kay Ate Vi, Best Actor for Aga, Best Supporting Actress for Nadine or Gabby and Best Supporting Actor para kay Ketchup. At very deserve ng mga nabanggit na stars ng Uninvited ang mga parangal na ito. By the way, narito pala ang schedules ng US and Canada International Screening ng “Uninvited.” Starting January 10 ay mapapanood ang nasabing movie sa mga sumusunod na theaters: REGAL ALIANTE, LAS VEGAS NEVADA, AMC ORANGE 30 AMC DINE-IN ONTARIO MILLS 30 REGAL EDWARDS CERRITOS REGAL EDWARDS ONTARIO PALACE REGAL EDWARDS WEST COVINA, LOS ANGELES CALIFORNIA, AMC FOUNTAINS 18, HOUSTON TEXAS, AMC 34TH STREET 14 AMC JERSEY GARDENS 20, NEW YORK, AMC SOUTHCENTER 16 SEATTLE-TACOMA, AMC HOFFMAN CENTER 22 AMC DINE-IN RIO 18, WASHINGTON DC, REGAL KAPOLEI COMMONS REGAL PRINCE KUHIO, HONOLULU HAWAII AND REGAL SAIPAN MEGAPLEX, NORTHERN MARIANA ISLANDS. Uninvited is dominating Canada at the following Cinemas starting January 11, CINEPLEX ODEON SUNRIDGE SPECTRUM CINEMA, CALGARY ALBERTA, CINEPLEX ODEON SOUTH EDMONTON CINEMAS, EDMONTON ALBERTA, CINEPLEX CINEMAS MISSISSAUGA, MISSISSAUGA ONTARIO, CINEPLEX ODEON SOUTH KEYS CINEMAS, OTTAWA ONTARIO, CINEPLEX CINEMAS SILVERCITY YORKDALE CINEPLEX CINEMAS YONGE-DUNDAS AND VIP CINEPLEX ODEON EGLINTON TOWN CENTRE CINEMAS, TORONTO ONTARIO, CINEPLEX-BANQUE SCOTIA MONTREAL, QUEBEC AND CINEPLEX ODEON INTERNATIONAL VILLAGE CINEMAS, VANCOUVER. Naipalabas na rin ang Uninvited sa iba’t ibang sinehan sa Middle East, UAE, Qatar at Bahrain at patok ito.

***

PAREHONG retired na sa kanilang mga trabaho sa Vancouver, Canada ang sweet couple na sina Madam Jean Lopez at Sir Bernard Poblacion ng Sta. Maria,j Bulacan. At last December 27 ay idinaos ang masayang blessing sa isa sa property na naipundar ng mag-asawa mula sa kanilang hard earned money na BJ MANSION AND EVENTS PLACE na located sa Sta. Maria, Bulacan. Kami ang naatasang mag-imbita ng ilang vloggers and entertainment press, para mag-cover sa nasabing mansion blessing. And napa-wow kaming lahat sa ganda at class na mansyon na si Sir Bernard pala ang nag-design at sila rin ni Madam Jean ang nag-interior ng buong mansiyon at kanilang events place at apartelle. Ang napansin naming lahat bukod sa magagandang kagamitan at sosyaling furnitures ay may Grotto ni Jesus Christ at Mama Mary sa loob ng mansiyon na according to Sir Bernard ay binili pa niya sa Quiapo. At alam nila ni Madam Jean na ang kanilang tagumpay ay bigay at kaloob sa kanila ng Diyos. At sila ay patuloy na ginagabayan lalo’t parehong mabait at matulungin ang couple sa kanilang pamilya at mga kamag-anak. Napadala pa sa Canada ni Madam Jean ang ilang kaanak na may magagandang trabaho na sa bansang ito. Samantala, hindi lang kami nag-enjoy sa aming mansion tour. Kundi lahat kami sa press ay sobrang nasarapan sa inihandang iba’t ibang putahe nina Madam Jean na lahat ay yummilicious at lutong Ilonggo.



Also, yung dessert, mapapa-wow ka talaga sa sarap. Parang halos ayaw na nga naming umuwi dahil gusto pa naming mag-take 2 sa food. Samantala, kagagaling lang nina Madam Jean at Sir Bernard sa Iloilo City dahil inaasikaso nila ang pagpapalabas sa mga school sa produced nilang movie na “ADIK” na pinagbidahan ng binata nila na si Kevin Poblacion.

Na-meet nila ang City Mayor na si Jerry Trinas sa office nito sa Municipal Hall ng Iloilo. At presto aprub na ang screening nito sa mga schools kasama ang Davao City. Pinaplantsa na rin ang screening nito sa mga eskuwelahan sa Metro Manila. Ang ADIK ay ginawa noong 2017 at kasama ni Kevin sa cast sina Rosanna Roces, Ara Mina, Liz Alindogan, Gino Ilustre, Eagle Riggs, Michael Tomas, etc at dinirek ito ni Neal “Buboy” Tan.

Well, good luck Madam Jean and Sir Bernard.