Advertisers

Advertisers

ASIA’S PRINCESS OF LOVE SONGS DIANE DE MESA SOLB SA 2-WEEKS VACATION KASAMA ANG PAMILYA

0 14

Advertisers

Ni Blessie Cirera

HABANG sinusulat natin ang balitang ito ay nakaalis na ng bansang Pinas ang Asia’s Princess of Love Songs na si Diane de Mesa.

May dalawang linggong nanatili sa bansa si Dianne kasama ang kanyang parents na ilang taon na ring hindi nakauwi ng Pinas, ang kanyang mister at mga anak.



Happy si Diane dahil ngayon lang daw siya nakapag-tour sa Pilipinas. Noong mga nakalipas na taon ay puro trabaho raw ang kanyang inatupag sa bansa kaya wala na siyang oras na makapagliwalil.

Masaya si Diane na kasama ng kanyang pamilya ay nakapamasyal sila sa Boracay at Olongapo City at na-meet niya ang ilang kaanak doon.

Sa pag-uwi sa America upang balikan ang kanyang mga gawain gaya ng pagiging registered nurse at ang kanyang online show, aasikasuhin din daw ni Diane ang music video ng kanyang bagong awiting Di Pa Huli mula sa kanyang sixth album na siya rin ang nag-composed at kumanta.

Tsika nga ni Diane, halos lahat ng awitin niya ay siya ang lumikha at madali lang daw anya siyang nakakapag-compose ng kanta, mga ilang minuto lamang.

Bago tuluyang umalis ng bansa ay nakadaupang-palad pa natin si Diane sa isang buffet restaurant sa Mall of Asia kasama ng ilan niyang kaibigan at mga tagasuporta.



Naroon din ang kanyang musical arranger/director na si Elmer Blancaflor kasama ang misis nitong si Vivian Blancaflor.

Nasiyahan ang mga kumakain sa nasabing lugar nang magbigay ng dalawang awit si Diane na inakampanyahan sa gitara ni Blancaflor. Kinanta ni Diane ang original song niyang Sana Ako Na Lang.

Hindi halata na may konting ubo si Diane sa husay ng pagkanta niya na naibigan ng lahat.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Diane kung kailan siya ulit makababalik dito para muling makagawa ng solo show/concert pero aayusin daw niya ang kanyang iskedyul para muling makapag-perform sa bansa.