Madis swak sa quarterfinals ng Dubai ITF Juniors Week 1
Advertisers
DINISPATSA ni Tennielle Madis ang Russian wild card Alina Yuneva, 6-3, 6-4, para makapasok sa quarterfinal berth ng gilrls singles category sa nagpapatuloy na Dubai ITF Juniors Week 1 sa TopSpin Sports Center sa United Arab Emirates.
Makakatunggali ng Third-seeded Madis ang Russian na si Alisa Terentyeva, na nagtala ng 6-0,6-4, wagi laban sa seventh seed Sophie Bekker ng Great Britain.
Pasok din ang Italian qualifier Vittoria Vignolini, Russian Alina Botasheva at Chinese Minxu Zhou sa next round.
Pinatalsik ni Vignolini ang Russian top seed Vlada Guryleva, 5-7, 7-6 (3), 6-4, para itakda ang quarterfinal showdown sa Chinese Xinie Geng, a 6-3, 6-2 wagi laban sa British Ophelia Korpanec Davies.
Tinanggal ni Botasheva ang second seed Pavia Sviglerova ng Czech Republic, 6-4, 6-0, para umusad laban sa korean Ui Su Jeong, na pinadapa ang Russian Alena Kharchenko, 2-6, 7-6 (4), 6-2.
Giniba ni Zhou ang sixth seed Alina Malygina, 6-1, 6-4, para ikasa ang meeting sa Russian Anastasia Efremova, na nagwagi kontra Belarusian qualifier Vera Khrushchyk, 2-6, 6-3, 6-4.
Samantala, nakaligtas si top seed Madis at Guryleva kina Botasheva at Efremova, 6-2, 6-7 (5), 10-5, para umabot sa doubles semifinals.
Susunod nilang makaharap sina Terentyeva at Kharchenko, na tumalo kina Leah Baroudi ng Syria at Leyna Bey ng France, 6-2, 6-2.
Polish Olivia Cela at Indian Diya Ramesh pinatumba sina wild cards Maria Andreu Portselan ng Cyprus at Justyna Anna Strykova ng Czech Republic, 6-4, 6-2, para ipuwersa ang Final Four duel kina Lila Grace Bachour France at Vignolini, na sinakop ang American pair Sophia Budacsek at Margaret Sohns, 7-5, 6-2.
Puntirya ni Madis ang kanyang pangalawang sunod-sunod na titulo matapos magwagi sa Fujairah event kasama si Jeong nakaraang Linggo.
Madis , na humakot ng six singles at five doubles titles nakaraang taon, ay nagrehistro ng career-high No. 207 sa ITF Juniors rankings nakaraang Enero 5.
Nagwagi siya ng doubles kasama ang PTA teammates Stefi Marithe Aludo sa Manila, China, Thailand at Sri Lanka.