Advertisers

Advertisers

Gilgeous-Alexander bida sa panalo ng Thunder vs Cavs

0 11

Advertisers

KUMAMADA si Shai Gilgeous-Alexander ng 40 points at eight assists sa three quarters, upang buhatin ang Oklahoma City Thunder sa panalo kontra Cleveland Cavaliers, 134-114, Huwebes ng gabi sa giyera ng teams na may best rekord sa NBA.

Ang Western Conference-leading Thunder at East-leading Cavaliers sa ngayon ay may matching 34-6 rekords. Ang cavaliers ay nagwagi sa first meeting 129-122 noong Hulyo 8, Sa rematch, inabot ng Thunder sa Cavaliers ang kanilang pinakamasamang pagkatalo sa season.

Lu Dort umiskor ng season-high 22 points at Jalen Williams nagdagdag ng 19 para sa Oklahoma City, na nagwagi sa kanilang pang-apat na dikit.



Darius Garland may 20 points at nine assists para sa Cleveland, at Jarrett Allen nagdagdag ng 13 points. Donovan Mitchell, Cleveland’s top scorer, nalimitahan sa eight points on 3-for-15 shooting.

Sa Washington, Devin Booker umiskor ng 37 points,Kevin Durant nagdagdag ng 23 para tulungan ang Phoenix Suns sa 130-123 wagi laban sa Wizards.

Booker ay nagkaroon ng kanyang ikatlong sunod na 30-plus game upang tulungan ang Phoenox na makaligtas matapos tapyasin ng Washington ang 24-point deficit sa three late sa fourth quarter.

Rookie Ryan Dunn nagdagdag ng 18 points at 11 rebounds,at Grayson Allen may 21 points para sa Suns na umangat sa 1-1 sa kanilang five-game trip.

Tyus Jones may nine points at 10 assists para sa Suns na nagwagi para sa kanilang fifth out seven overall.



Rookie Keyshawn George nagtala ng career-high 24 points para sa Wizards.

Jordan Poole nagdagdag ng 18 points,at Alex Sarra may 16 points at nine rebounds.