Advertisers

Advertisers

GARAPALANG SUGALAN SA SAN CARLOS CITY, PANGASINAN!

0 29

Advertisers

Malala na umano ang nakakapangyaring iligal na pasugal sa siyudad ng San Carlos,lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang sumbong ng mga residente ng nasabing lungsod sa inyong lingkod.

Sa ating pagtugon sa nasabing reklamo,napag- alaman natin na si Lt.Col.Eleazar Edolmo pala ang kasalukuyang city police director ng San Carlos City na nakakalungkot mang sabihin ay mistulang inutil na masugpo o mapatigil ang pagkalat ng salot na mga sugalan sa kanyang AOR.



Ito ay dahil umano sa presensiya ng gambling payola na direkta umanong ipinagkakaloob sa isa mataas na opisyal ng PNP Region 1 na kinokolekta on a regular basis ng mga kupal na nagpapakilalang bagmen ng PNP Region 1 na sina CASTRO,DE VERA at PONGA.

Halos lahat umano ng mga barangay sa San Carlos City ay may nakalatag na color games at drop ball.

Umaabot umano ng halagang Php 1.250 milyon linggu- linggo sng payolang nakukolekta para sa 34 na unit ng kapulisan na nakukuha sa puwesto ng mga color games at drop ball sa hurisdiksyon nitong si Col.Edolmo dahil naka- lagum umano ang koleksyon ng ” payola”.

Sa San Carlos City palang po yan!

Paano pa kaya ang iba pang mga siyudad at bayan sa Pangasinan?



Pangalan ni PNP Region 1 Regional Director (RD) General Lou Evangelista Ang kaladkad nina Ponga,Castro at De Vera sa katarantaduhang ito.

Wow ha!

Kaya naman pala abot- tenga ang ngiti ng mga kilalang gambling operators ng San Carlos City na sina Alvin, Gemma at Boyet.

Paging DILG Secretary Jonvic Remulla, Boss Jonvic bakit parang walang takot sa tanggapan mo itong si General Evangelista?

Hindi lamang kasi maugong ang isyu sa gambling payola dyan sa Region 1 kundi masasabing ” known fact” sa iba pang probinsiya na sakop ng PNP Regional Command 1.

Kung ganito katalamak ang illegal gambling operations. sa AOR ni Gen.Evangelista, ano pa kaya ang inaantay ni Sec.Jonvic Remulla?

Totoo kayang may parte sa gambling payolang ito ang opisina ng Kalihim ng DILG?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com