Advertisers

Advertisers

75-ANYOS NA LOLO PATAY SA BASURA, SUSPEK ARESTADO!

0 10

Advertisers

ARESTADO ang 50-anyos na suspek ng mapatay nito sa palo ng tubo sa ulo ang 75-anyos na lolo dahil sa basura sa Taytay Rizal.

Kinilala ang nadakip na suspek sa follow-up operation na si alyas Felipe habang ang napatay na kapitbahay nitong senior citizen ay si alyas Domingo kapwa ng Brgy. Sta. Ana sa lugar.

Sa ulat, dakong 4;00 ng umaga nangyari ang insidente sa ng walang habas na pagpapaulin ng tubo sa ulo ng suspek ang biktima hanggang sa mapatay.



Nabatid na matagal ng alitan sa basura ang ugat ng brutal na krimen kung saan tinangka pang tumakas ng suspek ngunit naaresto ito ng mga awtoridad.

Kasong murder ang kinakaharap ng akusado habang nakapiit ito sa detention cell ng Taytay PNP. (Edwin Moreno)