Advertisers

Advertisers

Risa Sato swak sa Chery Tiggo

0 9

Advertisers

KINUHA ng Cherry Tiggo Crossovers ang serbisyo ni middle blocker Risa Sato sa Premier Volleyball League (PVL).

Inanunsyo ng Chery Tiggo management ang paghugot nito kay Sato sa kanilang mga social media accounts.

Sariwa pa si Sato sa Grand Slam champions Creamline Cool Smashers.



Mainit na tinanggap si Sato sa Crossovers na hindi na rin naman bago para sa kanya dahil karamihan sa mga players nito ay nakasama na nito partikular na ang mga dating miyembro ng National University Lady Bulldogs sa UAAP.

Kumpiyansa ang Crossovers na makatutulong si Sato sa kampanya nito sa liga.

Nauna nang naglabasan ang mga larawan ni Sato kasama ang Chery Tiggo sa isang salo-salo.

Malalim na ang karanasan ni Sato na may kabuuang 12 korona sa PVL.

Kabilang na rito ang 10 titulo kasama ang Cool Smashers.



Ngunit hindi pa malinaw kung makalalaro agad si Sato kasama ang Crossovers sa PVL All-Filipino Conference dahil sa umiiral na patakarang ipinatutupad ng liga.

Base sa rule, hindi ma­aaring makalaro ang isang player para sa kanyang bagong team kung naka­lista pa ito sa lineup ng kanyang dating team sa ginaganap na kumperensiya.