Advertisers

Advertisers

Higit P4.2m droga, nasamsam sa Caloocan

0 11

Advertisers

Kulong isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P4.2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Northern Police District Director P/Col. Josefino Ligan, 5:56 ng umaga nang madakip ng mga tauhan ni P/Capt. Regie Pobadora, hepe ng District Drug Enforcement Unit si alyas “Khadapi”, 50, residente ng lungsod habang nasagip naman ang dalawang kasabwat niyang binatilyo na edad 17 at 15, kapwa estudyante..

Nakumpiska sa suspek ang nasa 625 grams ng shabu na may katumbas na halagang P4,250,000.00 at buy bust money



Sasampahan ang suspek ng kasong Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng Caloocan City.(Beth Samson)