Advertisers

Advertisers

PBB Big Winner Fyang idiniin, malas sa lovelife

0 29

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

INAMIN ng tinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Gen 11 na si Fyang Smith na mukhang wala siyang suwerte pagdating sa pakikipagrelasyon dahil ilang beses na siyang niloko ng mga nakarelasyon niya.

“Hindi ko po alam. Talagang lahat sila, talagang nag-cheat sa akin. I don’t know why. Siguro may hinahanap sila sa akin, na hindi talaga. Bakit niyo ba ako sinimulan?” sabi ni Fyang sa isang interview.



“Ayon ‘yung hindi ko ma-gets sa ibang lalaki na bakit pa kayo pumapasok sa buhay ng isang babae kung hindi niyo kayang panindigan. Anong sense?” aniya pa.

Nagtataka pang tanong ni Fyang, “Pumasok lang ba kayo sa buhay ng isang babae para sirain yung buhay niya? I don’t get why bakit kailangan pumasok sa buhay ng isang payapang buhay para mag-cheat?”

“Cheating is a choice, not a mistake,” ang hirit pa ng magandang dalaga.

Pero hindi naman daw siya na-trauma sa love kahit na ilang beses na siyang nakaranas ng heartbreak, umaasa pa rin siya na darating at darating din ang tamang lalaki para sa kanya.

“Hindi naman po ako nagmamadali. Career first po muna. Now po, ang finoocus ko po talaga, pag-acting,”



Sabi pa ni Fyang, lahat ng na-experience niya sa buhay ay ginamit niyang motivation para makatulong sa pamilya sa pamamagitan ng pagkakaroon at pagpu-push sa kanyang career bilang content creator.

***

PINUNTAHAN ni Rufa Mae Quinto si Willie Revillame sa show nitong Wil To Win, para magpapasalamat dahil sa ipinaabot nitong financial help sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang komedyana ng larawan niya kasama si Willie kung saan makikitang nagkukuwentuhan at nagkakatawanan silang dalawa sa loob ng dressing room ng nasabing show..

“Thanks for making me happy Willie and for the Help Help Hooray. Thanks to myself for visiting Wil to Win. Watch me today for the hi hello,” caption ni Rufa.

At nu’ng nasa show na si Rufa, sabi niya sa mga manonood,”Magandang-magandang hapon po. Welcome to me, yes.”

Ikinuwento rin niya ang dahilan kung bakit siya dumalaw kay Willie at ang pagbibigay tulong nito sa kanya.

Nakatanggap siya ng isang milyong piso mula kay Willie bilang tulong, matapos ang kanyang pagpapyansa ng P1.7 million kaugnay sa patung-patong na kasong isinampa laban sa kanya.

Sabi ni Rufa,”Maraming salamat for giving me help, help, hooray! Hindi lang po kayo ang tinulungan niya, kundi pati ako.”

Ani Rufa Mae, malaking bagay ang pagpayag ng korte na magkaroon siya ng pansamantalang kalayaan.

“Siyempre nagpapasalamat ako sa Diyos, nagdasal po ako. Sa NBI, sa press, hindi nila ako pinatakas. Talagang bawal ang eskapo. Hindi naman ako nakulong kasi nakapag-bail ako. Ngayon bilbil na lang!”natatawang sabi niya

“Pero okay na yon, positivity na lang. Ang importante, binigyan niya [Willie] ako ng cash, pangsimula muli,” aniya pa.

Naikuwento naman ni Willie na aksidente ang naging pagkikita nila ni Rufa sa isang restaurant.

“Kumain kami nung anak kong si Juamee sa isang restaurant, e, walang silya kaya bumaba kami. So, nakita ko siya, may mga kasamang abogado, may mga pulis, may posas,” pabirong sabi ni Willie.

Matatandaang noong January 9 ng hapon, nakapagpiyansa si Rufa Mae para sa kinakaharap na kaso kaugnay ng mga reklamong isinama sa kanya ng mga investors ng beauty clinic na kanyang iniendorso.