Advertisers
Sa halip na PINOY PRIDE ang salubong.., naging “sinungaling” pa ang hatol ng mga katropa natin sa OZAMIZ CITY at iba pang mga listong SOCIAL MEDIA USERS sa isang mang-aawit na nagbalikbayan kamakailan matapos ang PAGKAPANALO SA THE VOICE USA.
Opo.., si SOFRONIO VASQUEZ III na unang PILIPINONG NANALO sa THE VOICE ang tinutukoy natin dito dahil ayon sa kaniyang mga kalugar ay dapat daw laging ikabit ang PAROJINOG na apelyido ng kaniyang ina tuwing binabanggit ang kaniyang pangalan. Bakit kamo? Dahil parang pati si SOFRONIO PAROJINOG VASQUEZ III ay nakalimot na sa kanyang pinanggalingan.., o baka naman dahil sa imahe umano ng kahihiyan na nais niyang mapagtakpan kaya ibinida nitong lumaki siya sa hirap? Subalit ano man ang dahilan, ang sagot ay hindi dapat kasinungalingan!
Kung pamilyar ang pangalang PAROJINOG, marahil ay katulad ninyo akong mulat na noong sunod-sunod ang balita ng paghahasik ng lagim ni ONGKOY PAROJINOG at mga anak at kagrupo niya sa sikat na sindikatong KURATONG BALELENG.
Si “ONGKOY” PAROJINOG SR. mismo ang lolo nitong si SOFRONIO mula sa pamilya ng kanyang inang si AIDA PAROJINOG. Kapatid ni MOMMY AIDA si EX-MAYOR REYNALDO PAROJINOG SR., isa sa mga nangungunang pangalan sa NARCO-LIST ni TATAY DIGONG noong 2016. Nauwi sa isang madugong engkwentro ito noong 2017 nang subukang maghain ng arrest warrant ang PNP sa mga KABAHAYANG PAG-AARI ng mga PAROJINOG, kung saan isa si REYNALDO sa mga nasawi.
Panghabambuhay na pagkakulong naman ang hinaharap ng isang pinsan ni SOFRONIO PAROJINOG VASQUEZ III na si EX-VICE MAYOR NOVA PRINCESS PAROJINOG, na kalaboso rin dahil sa iligal na droga.
Ayon naman sa mga dokumentong nakalap natin mula sa PNP OZAMIZ.., maging ang namayapang ama ni SOFRONIO na si SOFRONIO VASQUEZ SR.., o alyas “ONYO” ay dawit rin bilang kakampi ng kilabot na OZAMIZ GROUP. Sumikat ang sindikatong ito dahil sa organized crime, kabilang na ang robbery at hold-up, carnapping, illegal drugs, gun smuggling, at iba pa.
Ang lumalabas ngayon ay hindi lang isang panig ng pamilya ni SOFRONIO PAROJINOG VASQUEZ III ang dawit sa mundo ng krimen at mga sindikato, pareho pala!
Kaya naman pala ganoon na lamang ang pagpapanggap at pagtatakip daw ni SOFRONIO PAROJINOG VASQUEZ III sa kanyang FAMILY BACKGROUND noong siya’y na-interview ng VOGUE, matapos ang kanyang pagkapanalo sa THE VOICE SEASON 26 sa AMERIKA.
At sa pagbaluktot ng kwento ng kanyang pinanggalingan ay mukhang hindi na nagpigil itong si SOFRONIO PAROJINOG.., kasi nga naman e lumaki raw itong mang-aawit sa SQUATTERS AREA kuno, nangangamba sa biglang pag-giba ng kanilang tirahan.
Siyempre pa.., hindi nakalusot ang paandar na ito sa mga katropa natin sa OZAMIZ at sa SOCIAL MEDIA dahil marami agad ang mga umalma at nagsaad na: “matagal nang naghari-harian umano ang mga PAROJINOG. Kanya-kanyang pwesto pa sa gobyerno mga ‘yan.., na paanong lumaki ito sa squatter’s area?” Na bukod diyan ay nagsilbi na pala itong si SOFRONIO PAROJINOG bilang CITY COUNCILOR dahil naluklok bilang SK FEDERATION PRESIDENT.., kaya ang litanya ng kaniyang mga kalugar sa OZAMIZ ay.., ”laki sa hirap, who?”
Siguro dahil sa kahihiyan e sinusumpa na raw ngayon ng mga taga-OZAMIZ CITY ang mga PAROJINOG dahil sa karahasan, krimen, at kahihiyan na dinala nila sa lungsod.., kaya siguro naisipan nitong si SOFRONIO PAROJINOG VASQUEZ III na mag-imbento ng bagong family background. Siyempre pa, sino ba namang makatatanggi sa appeal ng isang kwento ng Pinoy na nagtagumpay mula sa kahirapan?
Effective naman at maging si PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. at FIRST LADY LIZA ARANETA MARCOS ay inimibitahan ang mang-aawit sa MALACAÑANG kamakailan.
Ang nakapanghihinayang lang.., ang tamis ng panalo ni SOFRONIO PAROJINOG VASQUEZ III ngayon ay nahaluan ng pait ng kanyang nakaraan, dahil mismo sa kaniyang pilit na pagtatakip sa mga pagkakamali ng kanyang angkan. Masarap na sanang pakinggan, pero sintunado sa katotohanan ayon sa kaniyang mga kalugar!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.