Advertisers

Advertisers

Incompetence ni Mayora Lacuna nalantad dahil sa krisis sa basura

0 39

Advertisers

Dahil sa problema ng krisis ng nagtambak na basura sa Maynila — na nangamoy ang baho noong kainitan ng pagsalubong sa New Year — nalantad sa publiko, lalo na sa mga botanteng Manilenyo ang matagal na pinagtatakpang incompetence at walang katinuang pamamahala sa cityhall.

E, taon-taon naman, expected na dodoble o titriple ang basura every holidays season, pero ano ang ginawa ng mayora ng Maynila sa problema nito sa Leonel Waste Management (Leonel)?

Aba, imbes na unahin ang paglilinis ng nagtambak na basura, nakipag-away at nagbintang pa ng pananabotahe vs Leonel, at ang balak ay magsampa pa ng kaso.



Okay kung iyon ang nais ni Mayor Honey Lacuna at ng kanyang kuno mga Bright Boys, pero naman, dapat habang nagbibida-bida, pinakilos niya ang mga ahensiya ng cityhall para sila mismo ang maghakot ng basura, kung totoo nga ang paratang na inabandona ng Leonel ang trabaho nito.

Kung si Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nakaupo ngayon sa cityhall, ito ang alam kong gagawin niya — pakikilusin niya ang Department of Public Services (DPS), City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO), ang City Environment and Natural Resources Office at inutusan ang mga opisyal ng barangay na tumulong sa paghahakot at paglilinis ng basura sa buong Maynila.

Kung si Yorme Isko ang nasa cityhall, pati ang Engineering Office, ang Park and Management Office at iba pang ahensiya ng city government ay pakikiulusin niya agad para malinis ang Maynila.

Kaso, hindi ito ginawa ng alkalde at hindi naisip na ipayo ng mga kuno Bright Boys, at ang naisip makipag-away, nagsabi na magkaso habang nangangamoy ang Maynila!

Kungdi ito mataas na uri ng pagka-iresponsable, ano ang maitatawag dito? Dapat ang isang magaling na lider ay must lead by action and example – leadership by example.



Kungdi inutil mag-isip nang tama para sa kabutihan ng Manilenyo, ang inasikaso ng mga nasa cityhall ay pangalagaan ang kanilang image at reputasyon — na nalantad sa madla na kasingbantot pala ang karakter nila na tulad ng basura.

Kaya ‘wag magtaka kung sa Mayo 12, 2025, maisama sa hahakuting basura ay ang mga inefficient, inutil o walang silbi, at mangmang sa mabuting pamamahala na nakaupo sa cityhall ng Maynila.

Matatandaan nang unang maupo si Yorme, siya mismo ang nanguna sa paglilinis noon sa LIwasang Bonifacio, near cityhall sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio at pag-aayos ng mga dumi at nagkalat na vendor sa siyudad.

Pro-active na kilos ang dapat, e ang ginawa ni Lacuna, nakipag-away sa media laban sa Leonel.

At ang tapang pa ni Lacuna na hindi maipaliwanag kung saan o kaninong bulsa nai-shoot ang P561,440.000.00 na pambayad sa Leonel, at maitatanong, tama ba ang paratang ng iba na may “manunuba” sa CityHall.

E noon pang Setyembre 2024, sinabi ng Leonel kay Lacuna na hindi na ito sasali sa bidding sa paghahakot ng basura para sa 2025, at ang maagang abiso ay para mabigyan ng pagkakataon ang siyudad na makahanap ng bagong garbage hauler.

Aba, e hindi iyon ginawa ng city government at hindi rin inintindi ang pagbabayad sa mahigit na kalahating milyong pisong obligasyon sa Leonel.

Ang hindi marunong magbayad sa utang, e ano ba ang tamang itawag, dear readers, di po ba manunuba at estapador?

At kahit dambuhala na ang utang ng tropang Lacuna sa Leonel, itinuloy pa rin nito ang paghahakot ng basura bago pa matapos ang kontrata nito sa lungsod noong Dis. 31, 2024.

At may resibo na ginampanan ng Leonel ang obligasyon nito, ayon sa pinirmahang barangay certifications na talagang nilinis nila ang basura sa siyudad.

Eto at habang sinusulat natin itong kolum, ang iniintindi ni Mayora Honey ay mag-PR at manisi sa nagkalat na masangang na amoy ng Maynila.

Salamat at dahil sa basura ay nabisto na talagang walang alam sa pamamahala ang tropa ni Lacuna at ang alam lamang ay magpabida-bida.

Pero sa Mayo 12 at sa Hunyo ngayong taon, matatapos din ang nararanasang krisis sa di-maayos na pamamahala sa Maynila, kasi nga, tiyak na — kahit ano pa ang gawing gimik ng kabilang kampo –, wala na silang pag-asa pang maipagpatuloy ang kanilang incompetence.

Babalik na kasi ang totoong maayos na government service, at magiging Great Again ang Maynila.

Paalisin na ang inutil at walang silbi sa Mayo 12.

Mantakin na basura lamang ay hindi maayos, aba paano pa kung may malaking kalamidad at sakuna ang mangyari katulad ng pandemyang COVID-19.

Kawawa ang Maynila sa kamay ng tropa ni Lacuna.

Salamat at dininig ni Yorme Isko ang panawagan ng Manilenyo at totoo ngang magbabalik na uli siya sa City hall ng Maynila!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.