Advertisers

Advertisers

Pondo ‘di aaksayahin, ‘di rin mangungutang – Mayor Honey

0 11

Advertisers

“WALA po tayong aaksayahing pondo at lalong lalo na, hindi po tayo mangungutang.”

Ito ang ipinangako ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng Manileño matapos tiyakin na ang pamahalaan ay inilalagay sa ayos ang lahat pagdating sa paghawak ng pondo.

“Nasa wastong pangangasiwa at maayos na pamamahala ang susi sa tagumpay at patuloy na pag-unlad ng ating minamahal na Lungsod ng Maynila,”saad ni Lacuna.



“Umasa po kayo na patuloy nating aayusin ang lahat ng mga gawaing bayan at wala tayong aaksayahing pondo,” sabi pa ng mayor sa inagurasyon ng Pedro Gil Residences at Pedro Gil Super Health Center sa Malate, Manila.

Ang tinutukoy ni Lacuna ay ang ilang proyekto na ginawa ni ex-Mayor Isko Moreno na ‘di man lamang pinag-aaralan at hindi rin hindi rin angkop sa pangangailangan at bilang ng mga residente na nagresulta sa pag-aaksaya ng napakahalagang pondo.

Sinabi pa ng mayor na libo lamang ang mga residente na nakinabang sa nasabing proyekto samantalang ang bilang ng mga residente ay milyun-milyon na.

Binigyang diin ni Lacuna na dahil pinili ni Moreno na lisanin ang Maynila para tumakbo sa mas mataas na pusisyon, iniwan din nito ang mga proyekto na nagsimula lang sa groundbreaking at utang na nagkakahalaga ng P17.8 billion.

Sa tulong ni Vice Mayor Yul Servo at ng Manila City Council na pinamumunuan nito, sinabi ni Lacuna na ang kanyang administrasyon ay nabayaran at natapos ang proyekto at nakakapagbayad din sa dalawang bangko na kung saan umutang ng napakalaki si Moreno.



“Hindi po lingid sa inyong kaalaman na ang nakaraang administrasyon ay nag-iwan ng bilyon na utang sa Maynila—isang bigat na patuloy nating sinusubukang lampasan. Habang patuloy ang mga pambabatikos ng dating mayor, isang bagay ang hindi maitatanggi: hindi tinatanggap na pambayad sa bangko ang laway,” pagbibigay diin ni Lacuna.

“Tayo po ang sumasalo ngayon ng iniwang responsibilidad ng dating mayor dahil nirespeto natin ang desisyon niyang mag-asam ng mas mataas na tungkulin sa gobyerno. Nang matapos ang groundbreaking ng mga proyektong ito, tayo na rin po ang nagpatuloy at tumapos para patuloy nating matulungan ang mga Manileño,” dagdag ng alkalde.

“Sa akin ay wala naman pong kaso ang lahat ng ito dahil alam kong parte ito ng tungkulin ko bilang isang responsableng mayor. Pero nananawagan po ako: sana po ay itigil na natin ang pamomolitika at pagtuunan natin ng pansin ang pagbibigay ng tapat at totoo na serbisyo para sa mga Manileño,” pagbibigay diin ni Lacuna. (ANDI GARCIA)