Advertisers
Pansamantalang itinigil ng Supreme Court (SC) ang pagpapatupad ng disqualification order na ipinataw ng Commission on Elections (Comelec) laban sa limang lokal na kandidato.
Sa magkahiwalay na kautusan, naglabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) laban sa diskwalipikasyon ni dating Caloocan Representative Edgar Erice na tumatakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Caloocan City.
Bukod kay Erice, ang iba pang kandidatong nakakuha ng TRO laban sa kanilang disqualification ay sina Subair Guinthum Mustapha, Charles Savellano, Chito Bulatao Balintay at Florendo de Ramos Ritualo, Jr.
Si Mustapha, isang senatorial aspirant, at Savellano, na tumatakbo bilang kinatawan ng 1st District ng Ilocos Sur, ay idineklarang mga nuisance candidate.
Sa kabilang banda, nagsampa ng petisyon si Balintay na isang miyembro ng mga katutubo ng Zambales, na humahamon sa resolusyon ng Comelec na tinanggihan ang kanyang aplikasyon para tumakbo bilang gobernador ng Zambales. Gaya ni Balintay, hinamon din ni Ritualo Jr. ang resolusyon ng Comelec, na nagkansela ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo bilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng unang distrito ng San Juan City.
Binigyan ng SC ang Comelec ng hindi lagpas sa 10 araw para magkomento sa petisyon ni Erice, habang ang poll body ay may limang araw mula ng matanggap ang notice para magkomento sa mga petisyon nina Mustapha, Savellano, Balintay, at Ritualo.
Sinabi ni SC spokesman Camille Sue Mae Ting na ang TRO na inisyu ng Comelec pabor kay Erice at iba pang mga disqualified candidate ay nangangahulugan na dapat ibalik ang kanilang mga pangalan sa mga balota.
Ang senaryong ito ay kasama sa mga inaasahang delays sa pag- imprenta ng mga balota.
At any rate,hindi lamang delays sa pag- imprenta ng mga balota ang posibleng mangyari kundi ang mismong di pagkakaroon ng halalan sa darating na buwan ng Mayo.
Malaking contributing factor sa pananatili sa poder ng gumegewang na administrasyong Marcos Jr. ay ang papasok na administrasyon ni US President- elect Donald Trump.
Ayon sa ating mga natatanggap na impormasyon,mistulang “basura” na ang lahat ng secret deals na pinasukan ni Marcos Jr. sa rehimeng Biden kung saan nakapaloob umano dito ang bilyong dolyar na frozen assets ng mga Marcoses sa Estados Unidos.
Maglalabasan umano ang mga ” milagrong” nakapangyari at pinasukang compromise ni Bongbong Marcos sa America the moment President Trump assumed the US presidency.
Ito ang mga malalaki at crucial na dahilan para di matuloy ang eleksyon sa Pilipinas at ang wala sa oras na pagpapalayas kay Marcos Jr.sa Malacanang!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com