Advertisers
NALAMPASAN ni Murray ang kanyang dating season-best na 34 points, na iniskor laban sa Detroit noong Disyembre 28.
Nag shot si Murray ng 18 for 26 mula sa floor, kabilang ang 5 of 9 mula sa 3-point distance, at nagdagdag ng anim na assists at two steals.
Michael Porter Jr. umiskor ng 13 points at Nikola Jokic may 10 points at 14 rebounds sa panalo.
Kyrie Irving na bumalik sa lineup matapos lumiban ng five games dahil sa lumbar back sprain. Nagtapos siya ng 11 points on 4-for-18 shooting para sa Dallas.Daniel Gafford umiskor ng 13 points at Naji Marshall may 11 points.
Ang Denver na tinalo ang Mavs ng 11 points nitong Linggo sa Dallas, nagwagi ng apat na sunod-sunod at walo sa kanilang huling sampo.
Nalasap ng Dallas ang kanilang second-worst loss sa season. Ang 19 point loss ay sa likuran ng 23-point setback sa Clippers noong Disyembre 19.
Samantala sa Philadelphia,Shai Gilgeous-Alexander umiskor ng 32 points at Jalen Williams may 24 upang pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 118-102 wagi laban sa 76ers team na missing ang three-All-Stars.
Joel Embiid, Tyrese Maxey at Paul George nakaupo dahil sa injuries na ang Sixers ay patuloy ang kanilang slide down sa Eastern Conference standings.
Ang Thunder ay nagtala ng 21-point lead at nagwagi ng 18 of 19 games bago sumabak sa rematch kontra Cleveland Huwebes sa laban ng teams na may best rekords sa comference.
Justin Edwards pinamunuan ang 76ers sa iniskor na 25 points,at Jeff Dowtin Jr. may 18.