Advertisers

Advertisers

UE, head coach Jack Santiago naghiwalay

0 8

Advertisers

INANUNSYO ng University of the East nitong Martes na naghiwalay na ang kanilang head coach Jack Santiago at ang Red Warriors.

“After four UAAP seasons, the school management said Santiago is parting ways with the team to explore fresh challenges,” Wika ng UE sa social media post.

Sa liham ng school, pinasalamatan nila si Santiago na pinamunuan ang Red Warriors sa isa sa kanilang memorable runs sa UAAP Season 87 kung saan nagtapos sa 6-8 at may tsansa na makapasok sa Final Four, pero nabigo sa Adamson University sa playoff.



Sinabi ng UE na pinasalamatn rin ni Santiago ang University sa opportunity na ipinagkaloob sa kanya.

Sumali si Santiago sa Red Warriors noong 2020.