Advertisers
SOMETHING inspirational lang po, nitong January 14, birthday ni Big Boss RAMON S. ANG ng SAN MIGUEL CORPORATION (SMC), President/Chief Executive Officer at franchise owner ng big three teams sa top pro league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA), ang SAN MIGUEL BEERMEN, GINEBRA SAN MIGUEL atPUREFOODS/MAGNOLIA.
Conspicuous o kitang-kita ang respeto at inspirasyon sa mga pagbati sa iconic leader kahit sa social media. Well, milyong followers ang aware na si RSA ay hindi lang pangSports kundi pangBusiness at pangMasa pa.
Ka-Alma Mater pala namin ang kilalang humble business tycoon at syempre, ka-Tamaraw, collegiate basketball team ng FAR EASTERN UNIVERSITY (FEU) kaya naman, sports patron din siya ng collegiate league UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION of the PHILIPPINES (UAAP). Balanse si RSA sa lahat ng teams bukod sa FEU. Walang lamangan sa usapang suporta.
Sa PBA, crowd favorite ang Barangay Ginebra at chàmpion din tulad ng sister teams SMB at PFMAGNOLIA, under Sports Director AL FRANCIS CHUA. Sa sports world man, business at community projects, markado si RSA.
Working student po si RSA sa FEU during his college days, umeekstra sa talyer ng tatay niya para suportahan ang sariling gastusin at makapag-ipon ng kapital sa buy-and-sell business. Nakapagtapos siya ng kursong Mechanical Engineering.
Truly inspiring ang journey ni RSA na naging isang open book. Nakilala niya at naging close friend si MARK COJUANGCO, anak ng top business tycoon na si EDUARDO ‘Danding’ COJUANGCO. Dahil sa innate wit at humble ways, napagkatiwalaan at naging partner si RSA hanggang sa panahon na nawala si DC at naging SMC Chief Operating Officer siya, later positioned as President/Chief Executive Officer.
Mas todo-expand ang SMC sa lahat ng klaseng food and beverage product consumptio to various ventures. Maraming community projects na ibinabahagi ni RSA sa masa, dredging of main canals and rivers from Metro Manila to nearby provinces like Pasig River and Bulacan River. May road projects to certain provinces for easier transportation like SLEX at TPLEX atbp.
May project alternate airport na rin sa Bulacan at sa NAIA ay naipagawa at naisaayos nang maluwag at komportable ang parking area.
Wayback 2022, maraming umasa, magiging mahusay na pangulo ng bansa si RSA, pero hitsurang mas type tumulong sa mga lider ng pamahalaan for more comfortable and affordable way of living ng mga Pinoy. Kulang po ang space para maihatid nang buo ang inspirational journey ng humble Pinoy na sa 100B networth ay simple pati sa pananamit at walang tigil sa paglatag ng maraming business kaysa mag-imbak ng pera sa banko, para maraming matulungan at makinabang ang masa.Saludo po! Happy birthday! More birthdays to come and God bless you more Big Boss RAMON S.ANG!
JANUARY CHEERS!
HAPPY BIRTHDAY to LANCE YUHRI SANTOS of Gen.Trias,Cavite, CARLO SUERTE FELIPE (PIO, Mandaluyong LGU), NIKKO ESPENIDA (Cabanatuan,NE)& NINA MARIE MAGTUBO (Manila). Best blessings be with you all. HAPPY READING!