Advertisers

Advertisers

‘Di lisensyadong gaming online inirereklamo

0 36

Advertisers

Inerereklamo ng maraming tao ang isang kumpanya na nagngangalang Procap International.

Ayon sa mga reklamo, nanghihikayat daw ang mga opisyales nito na mag-invest ang publiko sa naturang kumpanya upang kumita ng malaking interes, na sa ilang buwan lamang at dodoble na ang investment.



Diumano, ang negosyo daw ng Procap ay online gaming, kung saan siguradong mananalo ang mga investors nito, at ang slogan pa nito ay “win once, win for life.”

Ngunit sa pagsasaliksik, noong Agosto 28 ng nakaraang taon ay kinansela umano na ng Securities and Exchange Commission ang rehistro ng Procap sa kadahilanang ito ay nagbebenta ng securities, o investments, sa publiko, ng walang lisensiya.

Magugunita rin na noong Oktubre 2023 ay inaresto ng mga kawani ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at ng Philippine National Police (PNP) ang ilang ahente ng Procap sa isang sting operation, kung saan nahuli sa akto ng pagbebenta mg investments ang mga ito.

Natatakot ang marami na kung ilegal man umano ang operasyong ito ay baka hindi na maibalik sa mga investors ang kanilang pera, dahil pakiramdam nila may mga malalaking tao umano ang nasa likuran ng Procap.

Una nang lumabas sa publiko si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Jr. bilang abogado ng Procap nang maaresto ang mga tauhan nito. May itinuturo din na isang pang kilalang abogado na direkta ring may kaugnayan sa isang national politician na media personality rin, na siyang direktang tumanggap ng mga investments mula sa publiko. (B. Purisima)