Advertisers
ARESTADO ang isang babaeng iligal recruiter sa entrapment operation ng CIDG-Manila sa Cavite City.
Kinilala ang dinakip na si Eunalisa Suijico, 36, ahente ng MGR Worldwide Travel and Tours Agency.
Nakatanggap ng reklamo ang CIDG-Manila mula sa mga nabiktima ng suspek na pawang nag-a-apply na OFWs.
May public advertisement din umano sa facebook ang kumpanya kungsaan nagtratarabho si Suijico na nag-aalok ng trabaho sa New Zealand, Taiwan at Korea.
Kabilang sa trabahong iniaalok ang factory workers at production operations, ngunit kailangan magbigay ng placement fee na P72, 500.
Nagbayad naman ang biktima ngunit hindi nakaalis ng bansa kaya dumulog na sa kinauukulan, at ikinasa ang operation.
Nasamsam sa suspek ang 43 pasaporte ng iba’t ibang indibidwal, ilang resume o biodata at 3 computer sets .
Sasampahan ang suspek ng ‘large scale estafa’ at paglabag sa Migrant Workers Act.
Pinaghahanap narin ang iba pang opisyal at tauhan ng nasabing kompanya. (Jocelyn Domenden)