Advertisers
Ni Jimi C. Escala
ANG kontrobersiyal na film director na si Daryl Yap mismo ang nagbalita tungkol sa sinasabing may gag order na sila. Ito ay hinggil sa kasong isinampa laban sa kanya ng sikat na TV host na si Vic Sotto, huh!
Inilabas yun ni Daryl sa post niya sa kanyang social media accounts na hindi na pwedeng magsalita o magbigay ng mga komento at kung anu ano pa kaugnay sa kanyang obrang tungkol sa kontrobersiya ni Pepsi Paloma.
Ayon sa sinasabing last post na raw niya “Posting the latest Order in my case.
“For the information of the public.
“I am enjoined from making any further comment.
“Narito po ang pinakabagong tugon sa reklamo laban sa Inyong Lingkod.
“1. Nagkakamali ang Divina Law (ang abogado ng kabila) na may order na ang husgado na i-takedown ang aking promo materials para sa #TROPP #TROPP2025
“Wala pong takedown order.
“2. Ang hearing ay moved na sa Jan. 17.
Hintayin ng husgado ang kanilang sagot sa aking Motion for Consolidation
“3. Meron na pong GAG ORDER sa lahat, di na kami pwede magpahayag tungkol sa merito ng kaso, para di magkaroon ng kaguluhan sa pag-iisip ng tao.
“Ito na po ang huling pagkakataon na magsasalita ako patungkol sa kaso at naway malinaw po ito sa lahat ng sumusubaybay,” bahagi ng post ni Direk Daryl.
Ang lahat ng involved sa kasong cyber libel na isinampa ni Bossing Vic laban sa filmmaker ay inutusan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 na huwag magsasalita o talakayin ang mga paglilitis sa kaso at anumang kaugnay na usapin, huh!
***
MALABO na raw na maumpisahan ni Kris Aquino ang binabanggit na pagbabalik TV show.
Ito ay ayon sa isang source na nakausap namin. Ayon sa kanya ay mukhang imposible pa raw na mangyari yun.
Kumbaga, ang balitang gagawa si Kris ng show sa Kapamilya network ay mukhang malabo na raw na mangyari, huh!
Ito ay dahil sa estado na naman ngayon ng kalusugan ng Multi Media Star, huh!
Kaya nga sa mga nagtatanong kung ano na ang mga latest ngayon sa buhay ng Queen of All Media na si Kris, ito raw ang kasagutan.
After kasi maibalita last year na magbabalik na si Kris sa telebisyon at gagawa uli ng show sa ABS-CBN ay wala nang narinig uli mula sa kanya ang publiko, huh!
Maski na yung katatapos na Pasko at Bagong Taon ay hindi nagparamdam ang TV host-actress sa social media niya na bibihirang mangyari sa isang Kris Aquino.
Kumbaga, very active si Kris sa pagbabalita sa anumang kaganapan sa buhay niya, huh!
Siyempre, marami ang nagtatanung at hindi maiaalis sa mga ito na sobrang ma-miss uli siya ng kanyang mga loyal na nagmamahal, huh!