Advertisers

Advertisers

BAGONG PILIPINAS PARTY LIST 146

0 162

Advertisers

MANUMBALIK ang kasaganahan ng pamumuhay ng sambayanan na legasiya para sa bagong henerasyon ng Pilipino.

Ito ang wish na dapat tuparin para sa tao ng mga nasa sektor ng mga pinuno ng bayan ,kinatawan sa lehislatura pataas hanggang ehekutibo na mga taga-sulong at implementor ng proyektong pag-angat at pag-asenso ng Pilipinas.

Ito ang mithi ni BAGONG PILIPINAS PARTY LIST nomìnee Ronniel Manumbale kapag naiguhit na ang kanyang destiny sa pagiging public servant at nailuklok sa mandato bilang kinatawan ng marginalized sector para sa bayan.



Isang matagumpay na businessman/ sportsman, isusulong niya ang mga batas na ang tunay na makikinabang ay ang masang Pilipino upang tuluyang maiwaksi na ang kahirapan ng buhay sa lumang panahon tungong pagbabago ng kabuhayan ng mga taong nahahanay sa maralitang taga-lungsod hanggang kanayunan.

“Kabuhayan at kaunlaran tungo sa Bagong Pilipinas.Iyan ay ating misyong madali lang maisasakatuparan sa tunay na political will at pagkakaisa para sa progreso ng Pilipino”,pahayag ni future lawmaker ng August Chamber ( Rep.) Manumbale.

Ang kanyang noble advocacy ay tiyak na maisasakatuparan katuwang si top nominee Atty.Alfred Bayan ( Batang SOCCSSARGEN) na naging epektibong DILG Usec ng kasalukuyang BBM administration na siyang may timon sa Mindanao Affairs and Social Concerns.

Kina Usec Bayan, Manumbale at iba pang nominees ng Bagong Pilipinas Party List 146, manunumbalik ang sigla at asenso ng bayan…ABANGAN!

***



JC2 BASKETBALL NI AR JAYCEE GUDELANO CELESTIAL

MAS maaksiyong grassroot basketball events ang matutunghayan ngayong 2025 ang ikenalendaryo ni basketball enthusiast/ patron Architect Jayzee Gudelano Celestial- team owner ng pamosong koponang JC2 Slashers sa commercial amateur league sa bansa.

Si Kuya Arki( Eagle) Celestial na isang successful design contractor na nakapagpatayo ng mga modernòng gusali at imprastraktura sa Pilipinas ay ipagpapatuloy din ang pag- organisa ng mga basketball events sa Metro Manila tulad ng 3×3 at 5×5 sentro sa mga kabataang 18under at adult players na nangangarap sa buhay.Gayundin ay tuloy ang kanyang talent search para sa line-ùp ng kanyang team JC2 Slashers.

Dahil dito ay malaking oportunidad ito sa mga batang basketbolista na nais na madiskubre para matupad ang kanilang pangarap tungo sa hinaharap.

Kanyang sinusuportshan ang mga yoùng potential basketeers upang igiya ang kanilang bukas tungong pag-asenso at pagiging star players sa bigtime basketball na isang konkretong plano para sa kabataang Pilipino.

Malaki talaga ang nagagawa ng basketball sa mga talento sa bayang basketball for all.

High five kay Ar Celestial ngayong taong 2025!