Dahil sa agwat ng edad… Jericho “daddy” o “tito” na ni Janine; Keempee happy na nakabati na ang parents na sina Joey at Daria
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MARAMI ang natuwa sa pakikipagbati ni Keempee de leon sa amang si Joey matapos ang limang taon na hindi pagkikibuan. Nangyari na lamang daw ang desisyon niyang pumunta sa studio ng Eat Bulaga at makipag-ayos sa ama.
Kinabahan nga raw siya noong una pero nang makita siya ng ama ay nagkayakapan na lamang sila.
Matatandaang nagkaroon ng isyu noon kung saan natanggal si Keempee bilang isa sa mga hosts ng Eat Bulaga at may intriga ngang lumabas na bilang isa sa mga haligi si Joey ng nasabing noontime show ay hindi man lamang daw niya naipaglaban ang anak para manatili. Hindi naman ito nabigyan ng linaw pero nagkaroon nga ng hindi pagkakaunawaan.
Pero hindi lamang pala si Joey ang nakaalitan ng aktor kundi maging sa inang si Daria Ramirez pero ang good news ay bati na rin ang mag-ina.
Nung una ay nahirapan daw ang aktor sa pakikipag-communicate sa ina dahil binlock daw siya nito sa Facebook. Pero sa tulong na rin ng kanyang pamangkin kay Cheenee ay natunton niya ang inang si Daria. Nahack naman pala daw ang account nito.
Alam naman daw ng ina ang naging pagkakamali nito at kung ano man ang nasabi nito ay bugso lamang ng kanyang damdamin
All is well that ends well ika nga thankful daw si Keempee dahil naging masaya ang reconciliation niya sa kanyang pamilya.
***
MATAPOS ang tagumpay ng Lavender Fields ay may upcoming project na kaagad ang Echonine o sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez.
Kasado na pala ang pagsasamahang proyekto ng dalawa. Ganun na rin sila ka bukas sa kanilang relasyon. In fact “babah” nga ang kanilang term of endearment.
Ipinakita rin ni Jericho kung gaano niya kamahal ang aktres dahil nitong Pasko at New Year ay nasa pamilya siya ng mga Gutierrez.
Pero alam niyo ba kung may mga fans na kinikilig ay mayroon din namang hindi sang-ayon?
Tinatawag nilang daddy, grandpa, o tito si Echo.
Malayo raw kasi ang edad nila at mas bagay kay Janine ang younger man.
Sampung taon kasi ang pagitan ng kanilang edad, na kung tutuusin ay wala namang masama na ang iba pa nga ay more than 20 years.
Pero kahit may mga ganitong intriga ay hindi naman ito pinapansin ng Echonine, happy lamang sila sa isa’t isa at nakikita ito sa mga vlog ng aktres na tila proud girlfriend.
Hindi rin naman madamot si Jericho sa publiko lalo na kapag tinatanong tungkol sa kanila ni Janine at mukhang nagugustuhan ito ng nobya.