Advertisers

Advertisers

Kim naimpluwensyahan ni Paulo kaya in-unfollow ang Star Cinema

0 47

Advertisers

Ni Jimi Escala

SA isyung pag-unfollow ng dalawang sikat na Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa social platforms ng Star Cinema ay sinasabing naimpluwensiyahan daw ng huli ang una, huh!

Kumbaga, dahil sa kabaitan daw ni Kim ay hindi magawa ng aktres na i-unfollow ang isang film production na malaki rin naman ang naging ambag sa kung anuman ang kasikatan na ngayon ng isang Kim Chiu, huh!



Kaya naman may nagkomento na very obvious na nagmalasakit sa Star Cinema na maaring naimpluwensihan si Kim ni Paulo, huh!

Tahimik pa rin ang mga taga-Star Cinema pero maingay sa social media ang fans nina Kim at Paulo, huh dahil sa pag-unfollow nina Paulo and Kim sa social media platforms ng nasabing production company.

Ayon sa isa sa nakausap naming miyembro ng KimPau ay sila raw ang mag-iingay para maipagtanggol ang mga idolong sina Kim at Paulo, huh!

Nag umpisa lang naman ang isyu nang mag-tweet si Paulo ng “Mae-experience nga na hindi tumapos ng pelikula,” huh!

Ito ay matapos maglabas ng teaser ang SM Cinemas na sa April pa raw ang showing ng pelikula nilang My Love Will Make You Disappear. Nauna na kasing lumabas ang press releases na kesyo pang Valentine presentation ang movie na pagsasamahan ng KimPau under Star Cinema.



Bukod sa trending ang Star Cinema, trending din ang ‘Kim deserves respect.’

Sentimyento ng fans, ba’t ganun, hindi sila (KimPau) aware na may ganung pangyayari samantalang minadali raw ito ng kanilang mga idolo.

May nabasa naman kaming comment ng isang tagahanga na malamang daw na kailangan pang ayusin ang pelikula at baka raw nung pinanood ng mga bossing ng Star Cinema ay nakulangan at hindi sila nagandahan at need pang dagdagan at iretoke ang nasabing pelikula,huh!

Bakit naman kasi may nag unfollow agad? Mas mainam na upuan at pag usapan nila muna di ba?

O baka naman bahagi ito ng promo para umingay ang movie?

***

2025 PMPC OFFICERS NAHALAL NA

ISANG mahigpit na pagbati sa bagong pamunuan ng PMPC Star Awards Inc. sa pamumuno ni president-elect Mell T. Navarro.

Siyempre, kasabay din ng pasasalamat namin sa ibinigay muli na pagkakataon sa amin sa pagkakataon ng mga kapatid ko sa club upang mahalal muli bilang secretary ng the oldest showbiz media organization.

Thank you my dear Sto. Niño de Tondo, Sta. Marta for all the blessings.

Samantala, ang iba pang nahalal na officers ay sina Fernando De Guzman (Vice President), Mildred Amistad Bacud (Asst. Secretary), Jose Boy Romero (Treasurer), John Fontanilla (Asst. Treas), Rodel Ocampo Fernando (Auditor), Eric Borromeo ( PRO–English), Blessie Cirera (PRO-Pilipino) at ang mga maglilingkod namang PMPC Board,of Directors ay sina Roldan Frias Castro, Rommel Placente, Rommel L. Gonzales, Ma. Leonila Garcia, Evelyn C Diao, at Mamey France Simeon, huh!