Advertisers

Advertisers

Anak ng political detainee na-trauma sa BJMP strip search

0 26

Advertisers

NAGING traumatiko ang karanasan ng isang babaeng dadalaw sa amang political prisoner matapos isailalim sa strip search ng mga jailguard bago papasukin sa Metro Manila District Jail Annex 4 (MMDJ-4) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.



Noong Linggo (Enero 5), nagtungo si alyas Cath sa MMDJ-4 upang bisitahin ang amang political detaine nang utusan siya ng mga jailguard at ang kanyang tiyahin na pumirma ng waiver bago gawin ang search na hindi naman umano ginagawa sa mga nakaraan nilang pagbisita.

Ayon kay Cath, tanging sila lang dalawa ng tiyahin ang pinapirma ng waiver at hindi kasali ang kaniyang mister at kapatid na lalaki, dahil sa mga babae lamang umano ginagawa ang strip search.

Kuwento ni Cath, dinala siya sa isang cubicle na may salamin at inutusan ng isang babaeng jail officer na tanggalin ang kanyang mga damit, ibaba ang kanyang underwear, yumuko, at ibuka ang kanyang puwitan. Gayundin ang ginawa umano sa kaniyang tiyahin.

Kasama ng Kapatid, isang grupo na sumusuporta sa mga political detainees, naghain ng pormal ng reklamo si Cath sa Commission on Human Rights (CHR), sinasabing siya ay pinilit sa isang strip search habang binibisita ang kanyang nakakulong na ama sa nasabing piitan.

Inilarawan ng Kapatid ang karanasan ni Cath bilang traumatiko at diskriminasyon.

Sinabi ng grupo na ito ang pangalawang beses na nangyari sa MMDJ-4 mula 2023, at ang pangatlong reklamo sa loob ng dalawang taon, kasunod ng mga katulad na insidente sa New Bilibid Prison (NBP).

Binatikos ng grupo ang nasabing gawain na isang pang-aabuso, at nanawagan para sa isang independyente, walang kinikilingan na imbestigasyon at panagutin ang mga opisyal ng piitan para sa paglabag sa United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners, gayundin ang mga protocol sa search ng BJMP.