Advertisers

Advertisers

Timing!

0 11

Advertisers

Sa basketball mahalaga ang tiyempo. Kung ikaw may dala ng bola aatake ka sa basket kapag nag-relax ang depensa. Pwede rin tirahan mo ng tres kung ayaw kang dikitan.

Sa rebounding maaari mong makuha ang Molten sa mga kalaban na mas matatangkad kung maganda ang timing mo. Alam mo kung kailan dapat makapuwesto at tumalon. Hindi mauuna o mahuhuli. Yung sakto lang. Yung amoy mo ang talbog ng leather sa ring. Hayun perpekto ang pagkalawit mo ng rebound.

Sa Awards Night ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa ika-27 ng buwang kasalukuyan ay may inaasahang perfect timing ng reconciliation ng isang pamilya.



May mga opisyal ng PSA na inaayos na ito.

Sa paggawad kay Carlos Yulo ng karangalan na Athlete of the Year ay maging tagpo na sana ng pagbabati ng double gold Olympian sa mga magulang.

Everybody happy na.

Pag-aabot kay Caloy nang gantimpala ay lalapit kanyang ama, ina at mga kapatid upang batiin at yakapin siya. Malulugod naman ang gymnast. Magmamano sa ina’t ama.

Ang ganda ng eksena. Matutuwa mga fotog nito. Klik nang klik sa masayang tagpo.



Pero may ulat na may kumukontra. Nawa’y magliwanag ang isip nila.

***

Dalawang atletang nasawi sa madugong pamamaraan ang laman ng balita ngayon.

Ang diumano”y pumaslang kay Kieth Absalon na FEU football player noong 2021 ay dinakip kamakailan. Sinasabing NPA lider ang kanyang hinhinalang killer.

Tapos itong SEA Games gold medalist Mervin Guarte ay namatay noong isang araw sa saksak ng nakaalitan sa inuman sa Oriental Mindoro .

Si Guarte na sundalo rin ng Philippine Air Force ay nagbabakasyon lang sa pinsan niya sa Calapan. Natulog ang pambato natin sa athletics nang siya’y pinagsasaksak.

Ganyan ang buhay ngayon. Madaling mawala sa kamay ng mga hangal

***

Mapanatili kaya ng Cleveland at OKC ang pangunguna nila sa NBA.

Ang Cavaliers ay may kartada na 33-4 sa Eastern Conference at 6.5 games ang lamang nila aa kasunod na Boston.

Samantala may rekord na 31-6 ang Thunder at 6 na panalo sa 2nd placer na Houston.

Sila rin kaya magkita sa Finals?