Advertisers

Advertisers

Pangalan ni Mayor Teodoro, pinabubura sa balota

0 72

Advertisers

Hiniling ng grupong Pinoy Aksyon for Governance and the Environment, Inc., sa pangunguna ni BenCyrus G Ellorin bilang chairman, sa Commission on Elections (Comelec) na tuluyan nang burahin ang pangalan ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro sa balota para sa eleksyon 2025.

Ito ay makaraang maglabas ng desisyon nitong Disyembre 11, 2024 ang Comelec First Division na kanselahin ang kandidatura ni Teodoro sa pagkakongresista para sa unang distrito ng Marikina City dahil sa “material misepresentation”.



Ayon sa grupo, nakita ng Comelec na hindi siya puwedeng tumakbo sa pagkakongresista sa first district ng lungsod dahil siya (Teodoro) ay residente ng ikalawang distrito ng lungsod,

Sa Certificate of Candidacy (COC) ni Teodoro, tinukoy ng alkalde na tatakbo siya sa pagkakongresista sa first district habang ang inilagay niyang home address ay Barangay Tumana, Marikina City na nasasakupan ng second district.

“Ang paghahain ng COC ni Mayor Teodoro para sa Unang Distrito ay isang malinaw na pambababoy sa proseso ng halalan. Wala itong paggalang sa batas, sa mga botante, at sa prinsipyong patas na halalan,” anang grupo.

Idinagdag din ng grupo na ang desisyon ng Comelec laban kay Teodoro ay magsisilbing babala sa mga pulitiko na ang pagtakbo sa kahit anong lugar ay hindi maaaring gawing laro. May mga batas na dapat sundin, pagdidiin pa ng grupo.

Sa pulong balitaan sa UP Diliman Campus, Quezon City, nananawagan ang grupo sa Comelec en banc na maglabas na ng pinal na desisyon at tiyakin na mabubura na ang pangalan ni Teodoro sa official list ng mga kandidato maging sa balota para sa nalalapit na halalan.



“Swift action from the Comelec will demosntrate their commitment to protecting every voter’s right. If the rule of law does not prevail, the Filipino people will lose the essence of democracy,” pahayag ni Ellorin. 

Samantala, noong Disyembre 12, 2024, nagpahayag naman ang grupo ni Teodoro na mag-file sila ng motion for reconsideration kaugnay sa pagkansela ng Comelec sa kandidatura ni Teodoro sa pagtakbo sa pagkakongresista. (Almar Danguilan/Ernie Dela Cruz)