Advertisers

Advertisers

Manong Chavit atras na sa pagtakbong senador, dumalo pa rin sa paglulunsad ng Vbank, ‘Bangko ng Masa’

0 18

Advertisers

Ni BLESSIE CIRERA

NAGULANTANG ang mga nasa loob ng MOA Arena kamakalawa ng gabi nang ihayag ni Manong Chavit Singson na hindi na anya niya itutuloy ang pagtakbong senador sa May 2025 election dahil sa problemang pangkalusugan.

Nitong nakalipas na Linggo sa launching ng Vbank Nationwide Caravan, sinabi ni Manong Chavit na tumakas lang daw siya sa hospital kung saan siya naka-confine sa sakit na pneumonia.



“Gusto ko pong makapaglingkod sa inyo ng buong puso at buong tapat kaya minabuti kong unahin muna ang aking pagpapalakas para lalo pa ako makatulong at makapaglingkod sa inyong lahat,” ani Manong Chavit.

Bagama’t may karamdaman, dumalo pa rin si Manong Chavit sa paglulunsad ng pet project niyang Vbank sa MOA Arena. Hindi man pinayagan ng kanyang doktor ay hindi nagpapigil si Manong Chavit at pumunta pa rin sa okasyon para saksihan ang launching ng Vbank na tinawag na Bangko ng Masa.

“Sa pamamagitan ng Vbank, mas madali kong maipaaabot ang aking pagtulong sa masang Pilipino. Ako ay umaasa na tatangkilikin ng bawat Pilipino ang Vbank upang matanggap nila ang aking pagtulong na nawa’y magiging panimula tungo sa kaginhawaan ng kanilang buhay,” anya pa.

Dalawang linggo matapos itong ilunsad noong Dec 15, 2024, nakapag-record na ang Vbank ng 133,000 downloads sa mobile application at 105,009 new accounts.

Sa pamamagitan ng Vbank mobile app, makapagbabangko ang isang tao kahit anong araw, kahit kailan at kahit saan na walang problema sa paghihintay nang matagal mula sa pagbubukas ng account, sa pag-transfer, pagbabayad ng mga bills at pagbili ng mobile prepaid credits.