Advertisers

Advertisers

Jodi pangarap magkaroon ng mental health clinic

0 5

Advertisers

Ni Jimi Escala

SA isinagawang “Traslacion” para sa kapiyestahan ng Jesus Nazareno sa Quiapo ay muling gumawa ng mga eksena ang ilang kilalang celebrities.

Ang matibay na pananampalataya sa Panginoong Hesus ay ipinadama ng mga ito sa pamamagitan ng pakikipagsiksikan kasama ang milyong deboto, huh!



Siyempre, dahil mga sikat ay hindi maiiwasang nakakuha sila ng atensiyion sa mga mananampalataya, huh!

Ilan lamang sa mga nag-post sa kanilang social media accounts ay ang Kapamilya stars na sina Coco Martin, McCoy De Leon, at Angeline Quinto na halos taun-taon ay nakikita natin na talagang nakikipagsiksikan at hindi inalintana na nabalandra at kasama sa mga naitutulak sa Traslacion o prusisyon ng mga deboto ng Poong Nazareno.

Sa Instagram, ibinandera ni Coco ang kanyang picture na makikitang hinawakan ang imahe ng Hesus Nazareno.

“Walang Hanggang Pasasalamat Mahal na Poong Hesus Nazareno [folded hands emoji],” caption pa ng Primetime King Coco Martin.

Taun taon din namang namamanata ang sikat na newscaster na si kabayang Noli De Castro pero umiwas ang dating bise presidente na makunan ng picture, huh!



Pero may iilang celebrities na gumawa ng mga eksena para lang mapansin at take note may kasama pang tagakuha ng picture at video na tila gustong palabasin ng mga ito na kasama sila sa mga taimtim nanampalataya sa Poong Nazareno.

Sa totoo lang, for publicity purposes lang naman at pakitang tao ang ginawa ng mga ito, huh!

***

HINDI lang mga celebrities, may mga kunwaring namamanata ng Itim na Poon na tipong deboto raw at tipong over makaakyat over makahalik at over makahaplos sa Nazareno pero pag uwi ng bahay ay lumabas pa rin ang tunay na pag uugali, huh!

Namamanata at tuwing kapiyestahan at Translacion ay present sila pero ang katotohanan eh bilang lang sa daliri ang pagsisimba ng mga ito sa mga araw ng linggo, huh!

Sa totoo lang naman, kahit hindi mo mahawakan, malapitan at mahalikan at ipagkaloob Niya ang iyong mga kahilingan kung ito ay galing sa puso … na sinasamahan ng matinding pananampalataya at matinding kilos at gawa na hindi lahat ay iniaasa sa panalangin, huh!

***

PANGARAP ng premyadong Kapamilya aktres na si Jodi Sta. Maria na magkaroon ng sariling mental health clinic na maaaring makatulong sa mga nanga­ngailangan. “It’s my dream to put up a small center to make mental health accessible to all. Hindi lang for people na kaya magbayad, but para sa lahat. ‘Yung heart ko, from the time I started studying psychology, when I did acupuncture detox and got my certification there, ‘yon talaga nasa heart ko. And God willing, ‘yung dream na ‘yon will turn into reality,” banggit pa ni Jodi.