Advertisers

Advertisers

PH nakamit ang makasaysayang medalya sa Asia Pacific Lacrosse Championship

0 10

Advertisers

NAKAMIT ng Pilipinas ang impresibong debut sa 2025 Asia-Pacific Women’s Lacrosse Championship sa dominante na 18-6 wagi laban sa Chinese Taipei, nakupo ang bronze medal Sabado sa Queensland, Australia.

Ang panalo ang nagbigay sa bansa ng kauna-unahang women’s senior medal sa anumang international lacrosse tournament at unang medalya ng Pilipinas’ sa field lacrosse program.

Ang four-goal outing ni Steph Lazo sa panahon ng kanilang tournament opener laban sa China ang naging susi , para makupo ang bronze medal game.



Samantala, Sarah Nelson, Lizzie de Guzman, at Cat Roxas, nagdagdag ng tig-3 points upang tulungan ang team.

“This means absolutely everything,” Wika ni Lazo.

“From the very start of this tournament, we faced adversity and stuck together. We adapted and adjusted, and this means so much for our country.”

Bago ang panalo, ang Pilipinas ay naka tiyak na ng spot sa world championship na nakatakda sa susunod na taon matapos ang 2-0 start nang kanilang kampanya sa APAc event. Ito unang pagkakataon sa kasaysayan na ang bansa ay lumahok sa world tournament.

Japan ang tinanghal na kampeon matapos ilampaso ang Australia 9-5.