Advertisers
SINIMULAN ng Pilipinas ang kanilang kampanya sa AFC Women’s Futsal Asian Cup Qualifiers sa matikas na 4-1 wagi laban sa Kuwait sa Uzbekistan.
Katrina Guillou, na may two goals sa nasabing laban, umiskor ng maagang goal para sa women’s squad dalawang minuto sa laban.
Hawak ng Pilipinas ang lamang sa halftime, 1-0 bago rumagasa sa second half.
Dinoble ni Bella Flanigan lamang ng bansa sa 17:58 mark, habang si Dionesa Tolentin gumawa ng isa pa para sa Pilipinas sa 13:05 mark.
Tinangka ng Kuwait na isalba ang laban sa pamamagitan ng kanilang first goal kulang limang minuto sa second half, pero sinilyuhan ni Guillou ang panalo para sa Pilipinas pagkalipas ng fourth goal para sa bansa.
Ayon sa team’s social media account, ito ang pinakamataas na wnning margin ng bansa sa high-profile international tournament simula 5-2 laban sa Malaysia sa 2007 Asian Indoor Games.
Sunod na makakaharap ng Pilipinas ang host country Uzbekistan Lunes.
Ang top two teams sa lahat ng apat na grupo susulong sa AFC Women’s Futsal Asian Cup sa China,kabilang ang best-ranked third place team. Ang Asian Cup ay magsilbing qualifying tourney para sa inaugural FIFA Women’s Futsal World Cup na i-host ng Pilipinas.