Advertisers

Advertisers

MGA TARLACQUEÑO THUMBS UP ULI KAY SEN. PIA CAYETANO

0 18

Advertisers

NANGUNGUNA sa listahan ng mga ihahalal na senador ng bansa si reelectionist Senator Pia Cayetano ng mga matatalinong botanteng Tarlacqueño at masang sektor ng lalawigan sa Norte.

Ito ang napulsuhan ng korner na ito sa pag-uwi nitong weekend upang i-finalize àng resetting ng petsa ng ating advocacy event na Dannscape Free Arts & Sports Clinic for Tarlacqueño youth sector.

Ayon sa ating mga kabalen at kaili sa Tarlac, sa hanay ng mga aspiranteng mambabatas ng mataas na kapulungan, si Sen Pia ang unang napupusuan dahil na rin sa pagiging tunaý na stateswoman, action woman, kakampi ng matuwid at katotohanan para sa pagsulong ng bansa at galit sa korapsyon.



Tunay na lingkod-bayan at may espesyal na atensyon sa larangan ng sports at sining.

Instrumèntal siya bilang bahagi ng blue ribbon committee sa Senado sa pagimbestiga ng mga kawatan sa bayan kung kaya agad nasusupil ang mga salbahe sa ating lipunan at walang sinisino kahit bigtime na buwitreng salot sa mga Pilipino.

Thumbs up ang Uppercut sa ating mga ka-balwarte sa norte lalo na ang mga matatalinong botante na pinipili ang bibilogan prayoridad ang mga tunay na legislator at ibabasura ang mga ambisyosong walang gagawin kundi maging mambabatas na mambubutas ng upuan sa plenaryo ng Senado.

Kaya sigaw ng mga Tarlacqueño..op kors ng mayorya ng sambayanang Pilipino… Senator Pia Cayetano..numero uno…MISMO!

KIM ZAFRA AT KALAMPAG SA PAGCOR



DETERMINADO ang ating kaisport na si Europe Gaming consultant Pinoy crusader Kim Zafra na matuldukan na ang mga nangyayaring kalokohan sa online gaming ng mga firm na lisensyado pa ng government owned Philippine Amusement and Gaming Corporation na laging talo ang bettors kahit na malaki ang panalo dahil sa sistematikong maniobrang teknikal na di na makahabol ang nabudol.

Si Kim na bihasa na sa larangan ay naisahan pa ng mga switik na higanteng gaming firms eh paano pa ang mga mananayang wish ay wagi ng patas at matuwid naaayon sa rule.

PAGING PAGCOR bago pa masimot ng mga cheaters ang agrabyadong bulsa ng mga suki na malaki ang naitutulong sa gobyerno.Now na. Shoutout jan sa S5.com ng GLCorp.

Kudos to Kim.Sayang naman ang malaking panalo na walang kabig.Kubra na G.Zafra!

Greetings kay SG Vhergel Divina ng McDonalds Libertad