Advertisers

Advertisers

Rapid Chess open tilt sa Pangasinan… ARQUERO BRAVO SA POZORRUBIO!

0 28

Advertisers

Ni Danny Simon

DINOMINA ni Kevin Arquero ang nagtapos na Pozorrubio Town Fiesta Rapid Chess Tournament na ginanap sa 3rd floor Executive Building sa Pozorrubio, Pangasinan nitong weekend, Enero 11, 2025.

Ginapi ni Pasay City pride Arquero, naglalaro para sa Philippine Army chess team, ang dating solo leader na si Robert Halili ng Mabalacat City, Pampanga sa ikapito at huling round para umiskor ng 6.5 puntos sapat na upang hablutin nito ang inaasam-asam na titulo.



Natanggap ni Arquero ang pinakamataas na premyong P10,000 upang pagharian ang kaganapang itinataguyod nina Mayor Kelvin Tan, Vice Mayor Engineer Ernesto “Snooky” Salcedo III at SK Municipal Federation President/ SK Chairman Vince Karl Thirdy Sarmiento, alinsunod sa kanyang grassroots chess development programa.

“I am happy for my performance tonight.” sabi ni Arqa tumalo kay Jhulo Goloran ng Meycauayan City, Bulacan, si Genghis Imperial ng Maynila para makisalo kina Halili at Romy Fagon ng Urdaneta City, Pangasinan sosto sa 2nd hanggang 4th placers na may tig-6.0 puntos.

Ang second place finish na si Halili ay nakakuha ng P5,000, habang ang tersera ay napunta kay Goloran para kumita ng P3,000 at si Fagon ay napunta sa ikaapat na pwesto para magbulsa ng P2,000.

Ang fifth hanggang 10th placers ay sina Alexis Emil Maribao ng Cavite City (5.5 points), Ricardo Batcho ng Quezon City (5.5 points), Jenric Curt Aquino ng Calasiao City, Pangasinan (5.5 points), Sherwin Tiu ng Manila (5.0 points), Imperial (5.0 points) at Rodney Palaming ng Urdaneta City, Pangasinan (5.0 points).

Nauna rito, sina Retired Judge Jose Vallo at Vice Mayor Engineer Ernesto “Snooky” Salcedo III, ang nagsagawa ng ceremonial moves sa pagsisimula ng isang araw na torneo na dinaluhan din nina Konsehal Dennis Uy at SK Municipal Federation President/ SK Chairman Vince Karl Thirdy Sarmiento



Natanggap ni Arquero ang pinakamataas na premyong P10,000 upang pagharian ang kaganapang itinataguyod nina Mayor Kelvin Tan, Vice Mayor Engineer Ernesto “Snooky” Salcedo III at SK Municipal Federation President/ SK Chairman Vince Karl Thirdy Sarmiento, alinsunod sa kanyang grassroots chess development programa.

“I am happy for my performance tonight.” sabi ni Arqa tumalo kay

Jhulo Goloran ng Meycauayan City, Bulacan, si Genghis Imperial ng Maynila para makisalo kina Halili at Romy Fagon ng Urdaneta City, Pangasinan sosto sa 2nd hanggang 4th placers na may tig-6.0 puntos.

Ang second place finish na si Halili ay nakakuha ng P5,000, habang ang tersera ay napunta kay Goloran para kumita ng P3,000 at si Fagon ay napunta sa ikaapat na pwesto para magbulsa ng P2,000.

Ang fifth hanggang 10th placers ay sina Alexis Emil Maribao ng Cavite City (5.5 points), Ricardo Batcho ng Quezon City (5.5 points), Jenric Curt Aquino ng Calasiao City, Pangasinan (5.5 points), Sherwin Tiu ng Manila (5.0 points), Imperial (5.0 points) at Rodney Palaming ng Urdaneta City, Pangasinan (5.0 points).

Nauna rito, sina Retired Judge Jose Vallo at Vice Mayor Engineer Ernesto “Snooky” Salcedo III, ang nagsagawa ng ceremonial moves sa pagsisimula ng isang araw na torneo na dinaluhan din nina Konsehal Dennis Uy at SK Municipal Federation President/ SK Chairman Vince Karl Thirdy Sarmiento.

Samantala, napanalunan ng 11 taong gulang na si Henrick Marello Balanos. ang top Pozorrubio kiddies award habang ang 15 taong gulang na si Irish Ysabel Salcedo ng Pozorrubio, Pangasinan ang nag-iisang survivor ng 12 board simultaneous chess exhibition na isinagawa ni Arena Grandmaster Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr.

Sa 12 simultaneous games na kanyang ginawa, si Bernardino ay nanalo ng 11 games at natalo kay Irish Ysabel Salcedo.