Advertisers
NANUMPA ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at ang Japan Volleyball Association (JVA) Huwebes na ipagpatuloy ang kanilang ugnayan upang lalong palakasin ang sports sa rehiyon.
Ang ugnayan ay ginawa matapos pamunuan ni Japan Minister and Consul General Takahiro Hanada ang turnover ng volleyball supplies mula sa JVA at ang bagong PNVF office sa The Bonifacio Prime sa Taguig City.
“With the sport seeing record-breaking attendances and emerging talents, I believe our cooperation comes at an exciting time for volleyball’s culture,” Wika ni Hanada.
Inabot ni Hanada ang competition volleyball sa panahon ng turnover ceremony sa Asian Volleyball Confederation (AVC) president at PNVF chief Ramon “Tats” Suzara, at Alas Pilipinas women’s at men’s team members Thea Gagate, Dawn Catindig, Vince Lorenzo at EJ Casaña.
Sports for Tomorrow ay ang international exchange at cooperation program on sports ayon sa pangako ng Japanese government.
Pinasalamatan ni Susara si Hanada at ang JVA na ang Pilipinas ay lumakas ang loob siyam na buwan bago ang hosting ng FIVB Men’s Volleyball World Championship.
Sinabi ni Susara na ang volleyball equipment ay malaking tulong sa PNVF’s effort para makatuklas ng talento at mapalawak ang tagasubaybay ng sports.
“The Philippines is a volleyball country. That’s our main slogan now,” anya.
“We appreciate Japan’s continuing support of Asian volleyball and we hope to continue this relationship with Japan not only in terms of equipment but also coaching, national team training camps and even management.”
Ipinakita rin ni Susara ang paligid ng bagong PNVF office,na magsilbing headquarters ng 2025 Men’s Volleyball World Championship at tahanan ng AVC presidents office.