Advertisers
Binigyan mo ng isang matinding karate chop sa braso ang isang player driving to the basket pero nang pumito ang reperi galit ka pa. Sasabihin mo hindi mo man lang nahipo ang binabantayan mo.
Kaso kitang-kita sa replay ang ginawa mong hard foul. Yung bistado ka na nguni’t may gana ka pang magreklamo. Buko ka na ngang sadya mong sinaktan ang kalaban but deny to death ka pa. Grabe ka!
Walang iniwan sa mga pulitiko na huling huling nagsisinungaling upang pagtakpan ang kalokohan. Si Sara D na may COA report na inubos ang P125M na confidential funds sa loob lang ng 11 araw. Si Erwin T na may liham ang US Embassy na peke mga papeles para sa kanyang birth certificate at passport. Ang Quad Com ng HOR na may ulat na nagtuturo kina Rodrigo D, Bato DLR at Bong G na mga utak o sangkot sa EJK pati illegal drugs. Ang Senate Blue Ribbon na naniwala na may sala sina RRD at Bonggo sa Pharmally scandal Mismong Swiss authorities nagbalik ng nakaw na yaman ng Marcose kaso hindi raw sila guilty. Ang Korte Suprema nagdesisyon na dapat magbayad ng estate tax sina BBM pero ayaw nila. Si Inelda Marcos may final conviction na nguni’t hindi pa nakukulong. Siyempre pinabulaanan nila ang mga paratang kahit malinaw mga ebidensya kontra sa kanila.
Ganyan ang sistema sa atin. Kapag mapera ka hindu ka makukulong o kaya mong baligtarin ang kasaysayan.
***
Bwenas nitong 2024 si Kai Sotto at pati ang Gilas Pilipinas. Kaso pagpasok ng bagong taon ay nagbago ang kapalaran. Minalas ang ating seven-footer dahil nagka- ACL injury sa Japan.
Pilay din ang pambansang koponan niyan dahil wala ang inaasahang big man. Anim na buwan malamang hindi makalalaro ang 22 años nating pambatong sentro.
***
Alam nyo ba na si Coach Joe Lipa nagbansag kay Jojo Lastimosa na JoLas. Dangkasi may isa pang player ang mentor na Jojo rin ang nickname na si Jojo Villapando. Para hindi nakakalito sa loob ng koponan ang tawagan ay maging Jolas na nga si Lastimosa. Nagstick na iyon hanggang ngayon. Oo kahit manedyer na sa kasalukuyan si Jolas ng TNT at consultant si Joe Lipa ng Terrafirma sa PBA.