Advertisers
Ni Archie Liao
PINAG-uusapan ngayon ng mga chikadora ang diumano’y reaksyon ng mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes kaugnay ng komento nito sa isang socmed follower.
Nagbahagi kasi ng throwback photos ang negosyante sa kanyang Instagram account.
Kabilang sa ibinahagi niya ay ang mga reel ng lumang litrato at video nilang mag-anak kasama ang anak nilang si Athena Alexandria.
Dahil dito, may kafaneyan na nabuhayan ng pag-asa at naniwalang posible pa silang magkabalikan ng komedyana.
May nang-urot pa kung puwedeng maayos ang gusot nilang dalawa for the sake of their daughter.
Reaksyon naman ni Trevor :
“We are not back. I have no intention on having any other relationship with her than ex spouse.”
Dahil dito, marami ang nalungkot dahil itinatwa ni Trevor ang kanyang misis.
Nananatili namang tikom ang bibig ni Rufa Mae sa marital conflict nila ng mister.
Matatandaang noong Disyembre ng nagdaang taon ay kinumpirma ni Trevor na tuloy na ang divorce process nila ng estranged wife.
Sey pa niya, ang tanging prayoridad daw niya ay ang makapaglaan ng oras para sa anak nilang si Athena.
Speaking of Rufa Mae, dumating na siya sa kanyang bakasyon sa Amerika.
Dumeretso siya sa NBI para sumuko dahil sa warrant of arrest na isinampa sa kanya ng ilang investors.
Ito ay may kinalaman sa isang beauty products company na kanyang ineendorso.