Advertisers

Advertisers

Bigtime lady drug supplier timbog sa P6m shabu

0 69

Advertisers

NADAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 ang kilalang bigtime lady drug supplier sa ilang distrito ng lungsod, at nakuhanan ng P6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation nitong Huwebes, Enero 9, 2025, sa lungsod.

Sa ulat kay QCPD director Colonel Melecio M Buslig mula kay PS6 chief Lt. Col. Romil Avenido, ang nadakip ay nakilalang si Nurjiya Akuk Muharram, 24 anyos, tubong Jolo, Sulu at kasalukuyang residente ng 43 Airforce Road, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Avenido, nadakip si Muharram 5:30 ng umaga sa Airforce Road, Brgy Holy Spirit. Nakuhanan siya ng 900 gramo ng shabu na may street value P6,120,000.



Ayon kay Avenido, si Muharram ang responsable sa pagbagsak ng droga sa mga barangay ng Commonwealth, Batasan Hills, Holy Spirit, Bagong Silangan, Fairview at karatig pang barangays.

Ayon pa sa opisyal, may sariling mga tauhan si Muharram na nagbebenta ng droga sa nabanggit na mga lugar, at humaharap lang siya kapag malakihan o kilo-kilo ang order sa kanyang grupo.
Inaalam pa ng pulisya kung saang sindikato ng droga ang kinabibilangan ni Muharram.(Almar Danguilan/Ernie Dela Cruz).