Advertisers

Advertisers

PH Kuwalipikado sa World Lacrosse Women’s tilt

0 7

Advertisers

PASOK ang Philippine women’s lacrosse team sa 2026 World Lacrosse Women’s Championships, kasunod ng dalawang panalo sa 2025 Asia-Pacific Women’s Lacrosse Championships sa Australia.

Nitong Martes, tinalo ng women’s team ang Hong Kong,14-2, para makakuha ng puwesto sa international tournament sa susunod na taon. Sarah Nelso ang tinanghal na best player of the game.matapos umiskor ng four goals,habang si Ria Lagmadeo umiskor ng hat trick.

“The Philippine Women’s Lacrosse Team books a ticket to the 2026 World Championship after clinching two dominating wins at the Asia-Pacific Lacrosse Championship in Queensland, Australia,” paskil ng Philippine Sports Commission sa kanilang social media.



“Our national women’s team joined their first-ever Asia-Pacific Lacrosse Championship, a qualifying tournament for the 2026 World Lacrosse Women’s Championships, which will be held in Tokyo, Japan.”

Sa panahon ng kanilang 15-3 victory laban sa China ngayong Linggo,kuminang si Kalena Johnson na may four goals at assists, habang si Steph lazo umiskor rin ng four goals,habang si Caroline Roxas may hat trick.

Makakaharap nila ang host Australia, na nakapitas rin ng ticket sa World Championship,

Huwebes.kabilaang ang Taiwan na qualified rin sa World Championship.

Ang boung roster ng Philippine women’s lacrosse team ay sina Olivia Pugh (Defense), Kaitlynn Lazaro (Defense), Caroline Roxas (Attack), Ria Lagdameo (Midfield), Abigail Beattie (Goaltender), Kaila Stasulli (Defense), Daryl Coss (Defense), Andrea Macalalad (Attack), Sarah Nelson (Midfield), Kylie Yap (Defense), Lizzie de Guzman (Attack), Bailey Truex (Midfield), Carolyn Carrera (Defense), Cat Roxas (Midfield), Nia Carrera (Midfield), Mallory Ngitngit (Midfield), Minka Martinez (Attack) at Cailey Canessa (Goaltender).