Advertisers

Advertisers

COMEDIAN RUFA MAE QUINTO, NAGPIYANSA NG P1.7 MILYON SA PASAY RTC

0 68

Advertisers

UMABOT umano sa kabuuang P1.7 milyon ang nailagak na piyansa ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto na nagawa pa ring magbiro habang magdamag na nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Miyerkules at bumagsak noong Huwebes ( Enero 9 ) ilang sandali matapos na makalaya sa piyansa, napag-alaman sa ulat

Sinimulan nang iproseso ng aktres ang piyansa noong Miyerkules ngunit hindi ito nakatapos bago magsara ang Pasay Regional Trial Court para sa araw na iyon. Kinasuhan si Quinto ng 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga investors laban sa skincare company na Dermacare.

Batay sa ulat, lahat ng kaso ay maaaring piyansa sa ?126,000 bawat isa, na nagkakahalaga ng kabuuang ?1.7 milyon.



“Nakakanerbiyos ‘yung lahat ng nangyari sa ‘kin, nakakalungkot, pero naniniwala po ako na ang katotohanan ay mag-pi-prevail,” malungkot na pahayag ni Quinto sa mga reporters matapos na lumabas sa Pasay RTC Branch 111.  (JOJO SADIWA)