Advertisers
Pwede ba, mga kontra Isko, stop, stop that nonsense accusation against Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sigurado na, wala nang makapipigil pa sa pagbabalik na bagong alkalde ng Maynila sa May 12, 2025 elections.
Wala kasing matinong maibabato laban kay IskOmeback, kaya pati ang mga kinita ni Yorme noon sa maraming product endorsements ay binubusisi.
Kuno, si Iskomeback daw ay nag-violate noong siya ang nakaupong alkalde ng Maynila sa Section 2 ng Local Government Code na nagbabawal daw i-practice ng isang incumbent government official ang kanyang propesyon habang nasa gobyerno.
Dehins po nag-artista noon si Yorme, piryud.
Yes, may mga tinanggap siya na donation cum talent fees sa product endorsement na mahigit sa P100 million, pero ang mga bumabatikos, ay hindi sinabi kung saan napunta ang mga iyon.
May malisya ang mga ganitong taktika, kasi ang motibo ay palabasin na si Yorme ay lawbreaker na hindi naman.
Para sa ikatatahimik ng mga bumabatikos at naiinggit kay Yorme, hehehe, kasi ang mga kandidato nila ay hindi man lamang pag-interesang kuhaning product endorser ng gamot sa kulani o kurikong, hahahaha.
E yung mahigit sa P100-M na tinanggap ni Isko ay idinonasyon niya sa makabuluhang programa sa kalusugan, edukasyon, tulong sa mga nasunugan, biktima ng iba pang kalamidad at sa mga programang tumulong sa pagpapabuti ng kalagayan sa buhay ng libo-libong mamamayan.
E, yung bumabatikos kay Iskomeback, may ganoong programa, ay, meron daw, pero pera ba nila yun, hindi yata.
Pera iyon ng taumbayan at kung makapagmalaki, ipinagyayabang na pera nila iyon, hoy, so kapal ng inyong mga karakas.
Eto po: P32-M ay idinonasyon ni Yorme Isko sa Philippine General Hospital (PGH) para maitayo ang isang Cancer Ward para sa mga bata, at P40-M ay para sa liver transplant para 20 batang may sakit sa atay.
At eto pa, nagbigay pa si Isko ng dagdag na P2.5-M para magamot ang iba pang may sakit na cancer sa PGH at nagdonasyon pa para sa serbisyong medikal ng iba pang pasyenteng mahihirap.
At walang sino-sino ang mga tinutulungan ni Yorme Isko, kahit hindi taga-Maynila, tinutulungan niya, tulad noong kabagsikan ng pandemyang COVID-19, mga taga- ibang probinsiya, tumanggap ng bakuna, gamot, bitamina at nabigyan ng libreng serbisyo sa laboratoryo sa COVID-19 Field Hospital at iba pang ospital sa siyudad.
E, ngayon na nakaupo ang mga bumatikos kay Yorme, mayroon ba silang katulad na medical services sa Manilenyo na mula sa sarili nilang bulsa, ay meron naman po, pero sa bulsa ng Manilenyo rin dinukot!
Eto pa: nabigyan ng mga gadgets — tablets, laptop at iba pang gamit sa pag-aaral ng mga estudyante ng Unibersidad de Manila sa donasyon ni Yorme na P11.5-M.
Para sa maagang pagkatuto ng mga Batang Maynila, nagbigay si Yorme Isko ng P2-M sa Museo Pambata, para matutunan agad nila ang mga panimulang kaalaman sa paglipat sa online education.
Mula sa sariling alkansiya ni Yorme, nabigyan ng pag-asa na umangat sa kabuhayan ang mga nasunugan sa Aroma Tondo fire na tumanggap ng P9.5-M; at P10.7-M sa mga biktima ng sunog sa Isla Puting Bato fire.
At mga nasunugan sa Mambaling Cebu fire, nagdonasyon si IskomingBack ng P9-M, yes, kahit di Manilenyo, nakatikim ng pagmamahal at malasakit ng tiyak na babalik na alkalde ng Maynila.
Wag kalimutan, noong inulan ng abo at lahar mula sa pagsabog ng Taal Volcano noong 2020, nagbigay si Yorme ng P4-M at P5-M naman sa mga biktima ng lindol noong 2019 Cotabato earthquake.
Sa alkansiya uli ni Yorme Isko ang perang iyon na malaki ang naitulong sa mga sinalanta ng kalamidad.
Eto pa: P750,000 para sa Tanulong Health Center sa Sagada, Mountain Province; P143,000 para sa Hemophilia Advocates Philippines, at P35,000 para suporta sa ating Overseas Filipino workers.
Nagdonasyon din si Yorme na P1-M sa Tahanang PinakaMasaya program at P1.4-M para sa pagpakumpuni sa Sto. Niño Church sa Pandacan.
Aba, para sa maraming pangangailangan ng komunidad –lalo na sa sektor ng mga kapos sa pera na maysakit, mga biktima ng sunog, kalamidad at ibang emergency situation napupunta ang milyones na pera ni Isko Moreno.
Kung gayon, pwede po ba sa mga naghahanap ng product endorser, kunin nyo si Yorme kasi ang donation cum talent fee niya, kayraming natutulungan.
More pang endorsement please!
Habang hindi pa alkaldeng muli si Mr. Domagoso, pwede po ba, kunin nyo siya para mas marami pang matulungang pamilya Pilipino.
E, yung mga bumabatikos kay Yorme, hehehe, sa inyo dapat ikapit ang mapagbirong tadyak ng realidad.
Mamatay kayo sa inggit! Joke lang po, wag pikon kasi ang pikon, tiyak na talo!
Basta ang tiyak, Yorme is Coming Back sa 2025.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.