Advertisers
Ni Archie Liao
SA programang “Your Honor”, natalakay ang isyu kung pwede bang maging magkaibigan ang mag-ex.
Ani Paolo Contis, hindi raw siya naniniwala na dapat na maging magkaibigan ang dating magkarelasyon.
Paliwanag pa niya na mahalaga ang respeto sa kasalukuyang partner at feeling niya ay nakakailang kung magkaibigan pa rin ang ex at partner.
Nagbigay pa siya ng example ng pagiging civil ngunit niliwanag niya na iba ito sa pagiging magkaibigan
“Hindi ako naniniwala na ang mga mag-ex dapat maging kaibigan. Unless, you actually have reasons to be,” esplika niya.
Sa diskusyon, nagbigay din ang aktor ng kanyang pananaw sa isyu sa host nitong si Tuesday Vargas.
“Eh naghiwalay na kayo eh. I think it’s your respect to your partner, especially ‘yung partner mo. I mean nakakailang ‘yun para sa partner mo. So, ‘yung hindi kayo nag-aaway okay ‘yun. Yung civil kayo, like when you see each other, ‘Uy! Hey! How are you? Blah blah.’ Pero friends? Like kumustahan ganyan, you had your time na magkumustuhan, bakit ngayon magkukumustahan kayo,” paliwanag niya.
Sa nasabing podcast, natanong din si Paolo hinggil sa reaksyon niya kung sakaling dumating ang araw na makahanap na ang kanyang mga anak ng katuwang o partner sa buhay.
“One day, merong lumapit sa iyo na binatilyo na, ‘Tito Pau, kaibigan ko po si Summer.. Okay lang po ba na paminsan-minsan po pupunta po ako dito? How will you handle it if one day your daughters come to you?” pag-uusisa ni Tuesday.
“It’s gonna happen anyway, wala akong magagawa,” sagot ni Paolo.
Follow up pa ni Tuesday: “Hindi ka natatakot, na baka may Paolo din silang makilalang kagaya mo?”
“Yun ang number one na ikinakatakot ko,” walang kagatol-gatol na tugon ng Kapuso actor.
Hirit naman ni Paolo, araw-araw daw ay ipinagdarasal niyang huwag dumating ang ganoong pagkakataon.
Muli namang pag-uusisa ni Tuesday: “Pero how will you handle it?”
“Sasampalin ko agad. Sabi ko na kung ‘yung Paolo mga 10 years ago or 15 years ago, ‘yan ang ipapakilala sa akin ng anak ko, naku, Diyos ko Lord. Sasampalin ko talaga ‘yan,” sey ni Paolo.
Dahil dito, nag-opinyon ang kibitzers na takot daw ang aktor sa sarili nitong anino.
Huling naging girlfriend ni Paolo si Yen Santos at meron siyang anak sa mga dating partner na sina Lian Paz at LJ Reyes. Anak ni Paolo kay Lian sina Xalene at Xonia, habang si Summer Ayana naman ang anak niya kay LJ Reyes.