Sen. Jinggoy ‘di suportado ang pagtakbong senador ng kaibigang si Ipe; Chavit handa magpautang nang walang tubo
Advertisers
Ni Jimi Escala
ISA sa masasabing maimpluwensiya at pinakamayaman na pulitiko at negosyante si Gov. Chavit Singson.
Bukod sa naging gobernador, kunsehal, meyor at kung anu-ano pang posisyon sa probinsiya ng Ilocos.
Pero ngayon naman ay nangarap na maging senador ng Pilipinas , huh!
Bukod sa sinasabing gusto niyang mapaglingkuran ang mga kababayan natin, ano pa ang dahilan ng isang Chavit Singson sa pagtakbong senador?
“Well, napatahimik ko na ang buong lalawigan namin at napayaman ko na ang probinsiya.
When jn fact ikalimang pinakamayaman na ang probinsiya namin sa buong Pilipinas, huh!
“Sa totoo lang , hindi ko na maantay antay yung economic zone na inihain ng mga anak ko, laging binabara sa senado.
“Kung maaaprubahan lang sana yun, yayaman na rin ang buong bansa,” bungad pa ni Manong Chavit.
Malaki ang panghihinayang ni Gov. Chavit sa kung ilang beses nabaril at hindi pumasa sa Senado ang panukalang batas na gusto niyang ipatupad at siya pa raw mismo ang namahala nito, huh!
“Binabara sa senado, kaya ang ginawa ko nga, nagtayo ako sa Korea. Doon ako namuhunan ng bilyones. Sayang nga at dito dapat sa Pilipinas yun.
“Nagkaroon ako ng factory sa Korea para sa electric vehicles, side cars, submarine at iba pa.
“Pero ngayon itinayo ko na rin ang Economic zone sa probinsiya namin,” sey rin ng pulitiko, huh!
Binanggit na rin daw ni Gov. Chavit nang makausap niya si Pangulong Bongbong Marcos ang proposal niyang ito, huh!
“Sabi ko kay Presidente, sana mapagbigyan na ako sa gusto kong ito, at deretsong sinabi ko sa kanya na ako na rin ang magpapautang sa mga kababayan natin matuloy lang at maaprubahan lang niya ito,” seryosong sabi pa ni Manong Chavit .
“Sa lahat ng gustong umutang, willing akong magpahiram sa kanila para sa lahat ng electric vehicles at lahat nito wala silang iintindihin na down payment at zero interest pa po ito.
“Saan kayo nakarinig na magpapautang na malaking halaga na walang down payment at wala pang tubo, ako lang ang luko-luko na gagawin ito para sa mga kababayan natin,” napangiti pero seryosong lahad pa ng soon to be senator Chavit Singson, huh!
***
TUNGKOL pa rin sa pulitika, dalawa pa ring may konek sa showbiz ang tatakbong senador sa May 2025 elections.
Ito ay ang magkaibigang Sen. Jinggoy Estrada at Philip Salvador.
Kaya nang matanong ang reelectionist na si Jinggoy kung ano ang masasabi niya sa pagtakbo ng kasamahang action star na si Philip bilang senador ay napangiti agad si Sen. Jinggoy, huh!
Halata agad sa reaksiyon ni Sen. Jinggoy at very obvious sa sagot niyang hindi niya susuportahan ang kaibigan.
“Ako susuportahan ko ang aking mga kasamahan ngayon, ‘yung mga incumbent na mga kasamahan. ‘Yung pitong reelectionist, mga incumbent senators.” malaman pang kasagutan ni Sen. Jinggoy, huh!
Siyempre kasi pagdating sa pulitika, ang partidong kinaaniban ang masusunod.
Magkaiba naman kasi ng partido sina Sen. Jinggoy at Philip. Ang una sa partido ni PBBM at ang huli ay nasa tiket ni dating pangulong Duterte.
Kumbaga, alam naman nilang pareho na magkakalaban ang partido nila, huh!
But still bilang kasamahang aktor ay may advice si Sen. Jinggoy kay Ipe.
Need daw ni Kuya Ipe sipagan pa talaga ang pag-iikot at pangangampanya. Huwag magpapakampante na porke taga showbiz, huh!
“I think he is aligned with former president (Duterte).
“Alam mo ‘pag walang experience sa national campaign, you have to strive more. Lalo na siya baguhan, e baka mahirapan. So, konting sipag,” lahad pa ni Sen. Jinggoy.
Samantala, isa sa pinakiusap at tinutulungan ngayon ni Sen. Jinggoy ang partylist nilang BFF o Balikatan of Filipino Families na kung saan ang asawa niyang si Precy Ejercito ang first nominee, at kasama ring nominee ang anak nilang si Jolo Estrada, huh!