Advertisers

Advertisers

Budget para sa mga kritikal na proyekto pinababalik ni PBBM

0 15

Advertisers

NAIS ni Pangulo Ferdinand R. Marcos, Jr. na muling suriin ng mga ahensya ng gobyerno ang mga programa ng administrasyong nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP) ngunit na-defund ng Kongreso.

Nais ng Pangulo na pagtuunan ng pansin ng mga ahensya ng gobyerno ang mga kritikal sa programang socioeconomic.

“Kailangan nating suriin muli upang ang mga programang gusto natin – na inilagay natin sa NEP — kahit papaano ay maibalik,” aniya sa ika-18 cabinet meeting sa Malacañang nitong Martes.



“Para sa iba pang mga departamento, kailangan kong bigyan ninyo ako ng mga prayoridad – ang mga bagay na inuna natin sa NEP na inalis in terms of budgeting, in terms of appropriations,” dagdag ng Pangulo.

“So, ano ang mga iyon? Sa bawat departamento, ano ang mga ganap na kritikal sa programang sosyo-ekonomiko habang inihahatid natin sa Kongreso? Paano natin ibabalik? kasi critical ‘yung mga program na nawala,”sabi pa niya.

Ayon sa Pangulo, nais niyang marinig mula sa iba pang departamento kung ano ang nangyari sa kanilang mga badyet partikular para sa mga kritikal na proyekto.

Sinabi ng Pangulo na handa siyang umupo sa bawat departamento upang matiyak na ang aktwal na programa sa paggasta ng gobyerno ay magiging katulad ng NEP.

Maraming bagay ang dapat ayusin, sabi ng Pangulo, na idiniin halimbawa ang P12-bilyong pagbaba sa badyet para sa pagpapanatili ng mga kalsada, P500-milyong pagbawas sa pondo para sa regular na pagpapanatili ng mga tulay at ang P21-bilyong pagbawas sa badyet para sa feasibility studies .



Nilagdaan ni Pangulong Marcos bilang batas noong Disyembre 30 ang P6.326-trillion General Appropriations Act (GAA) para sa 2025.

Ang Pangulo, gayunpaman, direktang nag-veto sa ilang probisyon na hindi tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao, at itinuloy ang kondisyonal na pagpapatupad sa ilang bagay upang matiyak ang maingat na paggamit ng pampublikong pondo.

Ang 2025 expenditure program ay 9.7 porsiyentong mas mataas kaysa sa FY 2024 na badyet na P5.768 trilyon at 22.0 porsiyento ng inaasahang FY 2025 gross domestic product (GDP). (Vanz Fernandez)