Advertisers
TINAWAG ng mga taga-Marikina na “bukbok na pamamahala” ang “Bagong Marikina” team ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo matapos umano itong magpamigay ng bigas na puno ng bukbok kamakailan.
Sa kuwento ng isang Reddit user, nakatanggap ang kanyang nanay ng stub para sa ayudang ipinamimigay ng “Bagong Marikina” team noong ikaapat ng Enero.
Pinalitaw umano ng kampo ni Quimbo na ito’y galing sa kanila ngunit ito pala ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa Reddit user, laking gulat ng kanyang ina nang makita na puro bukbok ang pinamigay na bigas ng ”Bagong Marikina”.
“I told my mom to take out the boxes immediately kasi nakakakilabot yung dami ng insekto sa boxes nila,” wika nito sa kanyang post.
“Iba-brand nalang ng pangalan nila yung items, palpak pa pinapamigay,” dagdag pa nito.
Kasama sa post niya ang larawan ng stub at ang bigas na puno ng bukbok.
Duda ng ilang netizen, itinago ng “Bagong Marikina” ang ayuda na dapat sana’y para sa mga binagyo kaya ito binukbok.
“Bukbok na pamamahala,” kantiyaw naman ng isang netizen.
Ayon naman sa ibang mga residente, ginamit umano ng “Bagong Marikina” ang ayuda ng DSWD para sa kanilang pasimpleng kampanya.