Advertisers

Advertisers

Gilas Pilipinas magsasagawa ng training camp sa Doha

0 17

Advertisers

PLANO ng Gilas Pilipinas na magsagawa ng training camp sa Doha,Qatar sa kalagitnaan ng Pebrero bilang bahagi ng kanilang build up para sa kanilang 2 road games laban sa Taiwan at New Zealand sa final window ng FIBA Asia Cup qualifiers.

Ibinunyag ni National team manager Richard del Rosario ang initial na plano kabilang ang paglahok sa tournament sa Qatar.

“On the second week of February we are planning to go to Doha and join a tournament before heading to Taipei and New Zealand. No final details yet because it’s still on the planning stage,” Wika ni Del Rosario.



Makakaharap ng Pilipinas ang Taiwan sa Pebrero 20 kasunod ang New Zealand sa Pebrero 23 sa pair and away games.

Layunin ng Gilas na tapusin ang final window na may panalo, na swept ang first four games sa 2 windows sa 2024.

Ang Filipinos ay mabagsik laban sa Taiwanese kung saan tinambakan ng 106-53 noong Pebrero 2024 window sa Mall of Asia Arena.

Pinadapa rin ng Gilas ang New Zealand sa kanilang home game nakaraang Nobyembre,93-89, tumatak na unang pagkakataon na tinalo ng Pilipinas ang dating Oceanaian basketball powerhouse simula noong 2016.

Ang national team ay e-enjoy ang mahabang preparasyon para sa huling FIBA window habang ang PBA ay mag pahinga sa Commissioners Cup, na magaganap sa pagitan ng Pebrero 8-10.



Ang Gilas Pilipinas ay pasok na sa FIBA Asia Cup 2015 na nakatakda sa Jeddah,Saudi Arabia sa Agosto at susubukan na makumpleto ang sweep ng qualifying phase.