Advertisers
Inaasahan ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ang mas kakaunting deboto na makasampa sa andas imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Enero 9.
Sinabi ni Alex Irasga, ang technical at proccession manager adviser ng Quiapo Church na inaasahan nilang 20 lamang ang makakaakyat sa dalawang gilid ng andas.
Sinabi ni Irasga na halos 30 deboto ang nakaakyat sa andas noong 2024, mas kunti kumpara sa mga nagdaaf mga taon bago ang Covid-19 pandemic.
Idinagdag pa ni Irasga na wala ring umakyat sa truck kung saan isinakay ang imahe ng Jesus Nazareno noong Disyembre 31, Thanksgiving procession.
Nauna nang sinabi ng pamunuan ng simbahan na mas pinabuti pa ang andas ng Nazareno kung saan nagkaroon ng pagbabago tulad ng sunroof, upang hindi mamawis ang salamin at ginawang mas matibay ang materyales.
Ang tradisyon na ruta ng prusisyon sa Traslacion ngayong taon ang magsisimula sa Quirino Grandstand aat matatapos sa Quiapo Church.
Taunang ipinagdriwang ang Traslacion sa Kapistahan ng Quiapo. ((Jocelyn Domenden)